‘Belenismo’ sa Tarlac hudyat ng KaPaskuhan
MANILA, Philippines — Tradisyon nang maituturing at tanda nang malapit na ang Pasko sa sandaling magsimula na ang Belenismo sa lalawigan ng Tarlac.
Nananatiling sentro ng Belenismo ang Holy Family na gabay ng lahat upang mapanatili ang pananampalataya, pag-ibig at pag-asa.
Ayon kay Dr. Isa Cojuangco Suntay, ng Tarlac Heritage Foundation, nakakatuwang isipin na marami ang sumali ngayong taon sa Belenismo na indikasyon na nahihikayat ang mga taga Tarlac na ipakita ang kanilang galing at talento sa sining.
Ipinakita ng mga 27 participants ang kanilang pagiging ‘creative’ sa pamamagitan ng paggamit ng mga native at recyclable materials.
Isa sa mga nangibabaw ay ang gawa ng St. Catherine na mula sa 10,360 bote ng softdrinks.
Sa Nobyembre 29 ang awarding.
- Latest