Bodyguard para sa mga hukom isinulong
MANILA, Philippines – Matapos ang panibagong pagpaslang sa isang hukom, nais ni Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel na magtatag ng 3,000 bagong posisyon para mabigyan ng bodyguards ang mga Judges.
Giit ni Pimentel, kailangan ng mga huwes ngayon ang matinding proteksyon lalo na at patuloy ang pagtaas ng karahasan laban sa kanila.
Ang hakbang ng kongresista ay bunsod sa panibagong insidente ng pagpatay kay Tagudin, Ilocos Sur Regional Trial Court (RTC) Branch 25 Judge Mario Anacleto Bañez.
Si Bañez, 54, ay tinambangan ng hindi kilalang mga suspek noong Martes ng hapon habang papauwi sakay ng kanyang Hyundai Accent sa Barangay Mameltac, San Fernando City, La Union.
Sunusuportahan din ni Pimentel ang hakbang ni Chief Justice Diosdado Peralta na magtatag ng bagong protective service pattern tulad ng sa Unites States Marshals Services (USMS) Judicial Security Division (JSD).
- Latest