Bigas kapalit ng cash aprub na sa Senado
MANILA, Philippines — Pasado na sa Senado ang resolusyon na naglalayong palitan ng bigas ang cash na tinatanggap ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Dalawampu’t isang senador ang bomoto ng pabor sa Senate Joint Resolution No. 8.
Sa resolusyon, papahintulutan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Food Authority (NFA) na mamili ng palay sa mga lokal na magsasaka mula sa iba’t ibang probinsiya ng bansa.
Ipamamahagi ang bigas sa mga kuwalipikadong benepisyaryo.
Partikular na tinukoy ang mga probinsiya ng Pangasinan, Ilocos Norte, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Mindoro Oriental, Mindoro Occidental, Tarlac, Nueva Ecija, Zamboanga del Sur at Iloilo kung saan bibilhin ang mga lokal na palay.
Ang mga benepisyaryo ng 4Ps program ay makakatanggap ng P600 rice subsidy kada buwan.
- Latest