Department of Water bill nililinis na ng Kamara
MANILA,Philippines — Kasalukuyang nililinis na ng isang ‘Technical Working Group’ ng Kamara na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang panukalang batas na lumilikha sa Department of Water Resources na rito ay pagsasamahin at pagtutugmain ang samot-saring mga programa sa tubig ng bansa.
Ayon kay Salceda, inaasahang maipapasa ng Kamara ang ‘consolidated National Water Act’ sa darating na Enero. Ilalatag nito ang ‘National Framework for Water Resource Management (NFWRM) o malawakang balangkas kaugnay sa mabisang pangangasiwa sa tubig upang sapat na matugunan ang pangangailangan ng bayan.
Sa ilalim ng balangkas, bibigyan ng pagkakataong sumali ang responsableng mga mamumuhunan, ipaprayoridad ang mga proyektong may malikhaing mga solusyon sa problemang kaugnay sa tubig at tutugon sa mga hamon ng ‘climate change’ o pagbabago ng panahon.
- Latest