^

Bansa

Batang ina lalong dumarami

Pilipino Star Ngayon
Batang ina lalong dumarami

MANILA,Philippines — Dahil sa pagdami ng nabubuntis na babaeng tinedyer, nanawagan ang executive director ng Commission on Population (Popcom) sa pagdedeklara ng teenage pregnancy national emergency sa bansa.

Sinabi ni Undersecretary Juan Antonio Perez III na merong 1.2 milyong kaso ng mga kabataang may edad 10 hanggang 19 na taong gulang na nabuntis at nanganak mula 2011 hanggang 2017.

“Kaya napapansin namin na itong nakaraang walong taon, hindi nagbabago ‘yung figure,” paliwanag ni Perez.

Mayorya ng teenage pregnancies ay nangyayari sa pinakamahihirap na 20 porsiyento ng mga Pilipino na nagpapahiwatig na ang mga kabataang ito ay kulang sa suporta ng pamilya at ng komunidad.

Binanggit pa ng POPCOM executive director na lumilitaw sa isang report ng Philippine Statistics Authority na isa sa anim na adolescent childbirth ay mga repeat pregnancies.

“Kaya makikita mo, mahirap ang sitwasyon ng mga kabataan na batang ina na sila ay nagkakaroon pa ng pangalawa, pangatlo, pang-apat na anak, kaya itinuturing namin ito na emergency na ka­ila­ngang aksyunan ng pambansang gobyerno at ng lokal na gobyerno,” dagdag niya.

Sinabi pa niya na ang mga panganganak ng mga batang ina ay maaaring magbunga ng premature deliveries, low birth weight, neonatal complications, at congenital anomalies.

Ang deklarasyon ng teenage pregnancy national emergency sa bansa ay kabilang sa exe­cutive order (EO) na binalangkas ng POPCOM sa pakikipag-tulungan sa Department of Health at Education para isumite bilang rekomendasyon kay Pangulong Duterte.

BATANG INA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with