^

Bansa

Rice trader hinatulan

Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Hinatulan ng mababang hukuman ng guilty ang isang kilalang rice trader sa Bulacan sa kasong online libel na inihain laban sa kanya ng isang opisyal ng Department of Agriculture dahil sa mga umano’y malisyosong post sa kanyang Facebook account noong nakaraang taon.

Sa 15-pahinang de­sisyon, hinatulan ni Que­zon City Regional Trial Court (RTC) Branch 90 Hon. Judge Ma. Lui­sa Gonzales-Betic si Jomerito “Jojo” Soliman na nagkasala sa kasong online libel at inatasang magbayad ng multang P50,000 o mabilanggo.

Nag-ugat ang kaso sa serye ng mga FB post ni Soliman, na nagsimula noong Enero 23, 2018, at nag-aakusa laban kay DA Assistant Secretary Waldo Carpio ng umano’y pagpabor sa ilang import permit applicants habang inaantala naman ang pag-apruba o pag-release ng para sa iba.

Inaasahan namang iaapela ni Soliman ang desisyon ng hukuman sa lalong madaling panahon.

RICE TRADER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with