Lifestyle check sa PNP officials
MANILA, Philippines – Sa gitna na rin ng mainit na kontrobersya sa ‘ninja cops’, nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na isalang ang mga opisyal at tauhan nito sa lifestyle check.
Ito ang inihayag kahapon ni PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac bilang tugon sa ideya ng Palasyo ng Malacañang na nais na isalang sa lifestyle check ang hanay ng kapulisan dahil sa mga report ng mga kahinahinalang asset ng ilang mga pulis na karaniwan lamang ang mga ranggo.
“Ang lifestyle check o ang Anti-Corruption Practices Act o An Act Establishing Code of Conduct, bawat taon ay sumasailalim po ang PNP sa ganitong lifestyle check at kung muli po ay nakahanda naman po ang PNP at ang Internal Affairs Service natin,” pahayag ni Banac sa press briefing sa PNP Press Corps.
Sinabi ni Banac na tapos na ang kanilang taunang lifestyle check at kung muli itong iuutos ng Malacañang ay nakahanda naman ang PNP.
- Latest