^

Bansa

4 teknik sa pagsasaka itinuro ng PhilRice

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Science City Of Muñoz, Nueva Ecija – Upang masiguro ang mataas na ani at malaking kita sa mga pananim, nagturo ang Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa mga magsasaka ng apat na “technique” o pamamaraan sa pagsasaka.

Ayon kay PhilRice Technology Management and Services Division Chief at 2019 Wet Season Lakbay Palay Overall Coordinator Lea Abaoag, itinampok sa taunang okasyon ang pagpapaunawa sa mga magsasaka ng mga pamamaraang makatutulong upang makasabay sa pagpasok ng mga imported na bigas, mapataas ang ani at kita, at mapababa ang kanilang gastusin sa pagsasaka. 

Isang pamamaraan ay ang matagal nang ikinakampanya ng tanggapan, ang paggamit ng dekalidad na binhi kung saan 10 porsyento ang itinataas na ani basta’t may wastong pangangalaga gaya ng tamang paghahanda ng lupa, pagpapatubig, at pagbibigay nutrisyon sa tanim. Ikalawa ay ang paggamit ng makinarya sa bukid na nakatitipid sa gastusin at oras sa sakahan gayundin na  nababawasan ang mga naaaksayang ani.

Ang ikatlo aniya ay ang pagdagdag ng puhunan. Humiram sa Land Bank of the Philippines na may mababang interes, at ang ika-4 at panghuli ay lumahok sa mga libreng pagsasanay (workshop) upang malaman ang mga bagong kasanayan at kahusayan sa pagsasaka. 

Ayon pa kay Abaoag, kinakailangan dito ang tulong ng mga magsasaka na siguruhing sila ay nasa listahan ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture na makukumpirma sa mga tanggapan ng pagsasaka sa bawat lokalidad. 

 

vuukle comment

PHILRICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with