24 oras na ‘impiyerno’ dinanas ni Dormitorio
MANILA, Philippines — Mala-impiyerno ang 24 oras na naging karanasan ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio na nasawi sa hazing sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.
“It was hell for him,” paglalarawan ni Baguio City Police Director Police Colonel Allen Rae Co sa sinapit ng biktima matapos makunan na ng testimonya ang 16 testigo sa krimen.
Ayon kay Co, sa kabila ng ‘physically fit’ at malakas si Dormitorio ay tuluyang bumigay ang katawan dahil sa grabeng pambubugbog na naranasan nito.
“Actually kasi imagine nyo lang po kayo ba pagrereportin pa dumudugo na yung sa loob ninyo (internal organ) ano yung pain na yan ikaw ay expected pa to do your duties. Akyat baba ka dun sa barracks and then ‘yun na ‘yung pain na nararamdaman mo ay you will still able to hold your own na nakatayo ka at nakakapag-usap ka. So napakalakas po ng batang ito dun sa dibdib at sa pangangatawan. Kung yung iba po siguro ay wala na nakahiga na po yun sa nararamdaman niya,” anang opisyal.
Nabatid na ang 2nd Class Cadet ang humila sa namimilipit sa sakit ng tiyang si Dormitorio saka sinipa ito sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.
Una nang ibinulgar ng mga opisyal ng PMA na sina 1st Class Cadet Axl Sanupao ang nawalan ng boots at ipinasa kina Cadet 3rd Class Shalimar Imperial at Felix Lumbag ang pagpaparusa dito.
Ang mga pangalan ng tatlo pang kadete na lumitaw na sangkot din sa hazing ay ibubulgar kapag isinampa na nila ang kaso.
Kabilang sa tinukoy na mga suspek ay isang 1st Class Cadet, isang 2nd Class at apat na 3rd Class Cadets.
Accessory to the crime naman sa dalawang doktor ng PMA dahil sa ‘negligence’ sa hindi pagtukoy ng tama sa sakit ni Dormitorio na dapat sana’y nasagip pa ang buhay.
- Latest