^

Bansa

Gov't employees ipinapro-promote oras na magretiro

Philstar.com
Gov't employees ipinapro-promote oras na magretiro
Layon ng Senate Bill 1019 ni Sen. Bong Revilla na magamit ang adjusted salary grade level ng government employees bilang batayan sa pagco-compute ng retirement benefits.
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — Automatic promotion daw ang dapat ibigay sa mga opisyal at empleyado ng gobyerno na sasailalim sa sapilitang pagreretiro, ayon sa panibagong panukala na inihain ng isang senador.

Layon ng Senate Bill 1019 ni Sen. Bong Revilla na magamit ang adjusted salary grade level ng government employees bilang batayan sa pagco-compute ng retirement benefits.

"Kung ang mga pulis ay binibigyan ng one rank higher kapag nagretiro, bakit hindi natin gawin sa lahat ng government employee na bigyan din kaparehong promotion at benefits," ani Revilla.

Katumbas ng isang grade level ang itataas ng posisyon ng magreretiro oras na maisabatas ito.

Naniniwala si Revilla na mahalaga ito upang maibalik sa mga government employees ang serbisyong inilaan nila sa pamahalaan.

Dagdag pa niya, mainam daw na mamaksimisa nila ang mga benepisyo oras na umalis lalo na't marami sa kanila ang magreretiro habang nasa serbisyo pa. — James Relativo

BENEFITS

GOVERNMENT EMPLOYEES

PROMOTION

RETIREMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with