^

Bansa

'Kabansutan,' maiuugnay sa mas mataas na tsansa ng diabetes — pag-aaral

James Relativo - Philstar.com
'Kabansutan,' maiuugnay sa mas mataas na tsansa ng diabetes — pag-aaral
"After adjustment for age, potential lifestyle confounders, education and waist circumference, greater height was related to lower diabetes risk," ayon sa may mga akda ng isang pag-aaral..
The STAR/Boy Santos, File

MANILA, Philippines — May kinalaman ang katangkaran at kaliitan sa posibilidad magkaroon ng diabetes, paglalahad ng isang pag-aaral ngayong Martes.

Ayon sa medical journal na inilabas sa Diabetologia, nababawasan ng hanggang 41% ang tsansa ng mga lalaking magka-type 2 diabetes kada 10 centimeters na dagdag sa tangkad, habang 33% naman ang naiaawas dito para sa mga babae.

"After adjustment for age, potential lifestyle confounders, education and waist circumference, greater height was related to lower diabetes risk," ayon sa may mga akda nito.

Pero bagama't maiuugnay daw sa haba ng hita ang mas mababang risk sa lalaki at babae, nananatili lang daw itong mababa sa mga lalaki kung ia-adjust sa kabuuang tangkad.

Nabawasan din daw ang association ng height at diabetes risk sa mga babae kung ia-adjust sa liver fat at triacylglycerols, adiponectin at C-reactive protein.

"The inverse associations may be partly driven by lower liver fat content and a more favorable cardiometabolic profile," dagdag nila.

Isinagawa ang pag-aaral sa medical survey ng 16,000 kababaihan at halos 11,000 kalalakihan edad 40 hanggang 65.

Ang mga respondents sa nasabing pag-aaral ay nanggaling sa Potsdam, Germany mula 1994 hanggang 1998.

Ginawa ang pag-aaral nina Clemens Wittenbecher, Olga Kuxhaus, Heiner Boeing, Norbert Stefan at Matthias B. Schulze.

Nakita rin nila na mas mahusay ang "insulin sensitivity" at paggana ng espesyal na cells sa lapay (pancreas) sa mga nakatatangkad na tao.

Ang mga taong may diabetes ay mayroong mataas na blood glucose, o blood sugar, na nanggagaling sa pagkain.

Sinasabing nasa 420 milyong katao sa buong mundo ang dumaranas ng diabetes — na inaasahang umabot ng 629 milyon pagdating ng 2045, ayon sa International Diabetes Federation.

Kasaluuyang nahahati ang sakit sa dalawang sub-types:

  • Type-1: Mga taong hindi kayang gumawa ng insulin, isang hormone na tumutulong sa pagregula ng blood sugar level. Binubuo nila ang 10% ng kabuuang bilang ng diabetes patients at kadalasang nada-diagnose agad sa mga bata. 
  • Type-2: Meron ngunit hindi sapat ang insulin na nagagawa ng katawan, dahilan para manatili ang kanilang glucose sa katawan.

Madalas iugnay ang diabetes sa labis na pagkataba, at maaaring mauwi sa pagkabulag, pagkasira ng atay, sakit sa puso at stroke.

Maaaring umabot sa pagputol ng ilang bahagi ng katawan ang ilang "acute cases" nito. — may mga ulat mula sa Agence France-Presse

DIABETES

HEALTH

HEIGHT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with