^

Bansa

GCTA law 'wag sisihin, magagamit para i-revive ang bitay — senador

James Relativo - Philstar.com
GCTA law 'wag sisihin, magagamit para i-revive ang bitay — senador
"Mukhang sinasabotahe nila yung batas para isulong nila ang death penalty. Ginalit na naman nila ang mga tao para mas katanggap-tanggap ang death penalty. Devious minds!" sabi ni Sen. Leila de Lima sa isang pahayag Biyernes.
Released/Office of Sen. Leila de Lima

MANILA, Philippines — Binalaan ni Sen. Leila de Lima ang publiko sa pagkukundena sa Republic Act 10592, na nagdadagdag sa good conduct time allowance, na nag-aawas sa sintensya ng isang taong nakulong dahil sa mabutong asal sa kulungan.

Humaharap sa kontrobersiya ang batas matapos maibalita ang posibleng paglaya ng convicted rapist at mamamatay tao na si dating Calauan mayor Antonio Sanchez kaugnay ng GCTA.

Paliwanag ni De Lima, maganda ang intensyon ng batas ngunit "pilit na binabaluktot" upang ikondisyon ang publiko sa pagbabalik ng bitay.

"Mukhang sinasabotahe nila yung batas para isulong nila ang death penalty. Ginalit na naman nila ang mga tao para mas katanggap-tanggap ang death penalty. Devious minds!" sabi ni De Lima sa isang pahayag Biyernes.

Wika pa niya, maaaring ginamit lang ang pag-aanunsyo ng pagpapakawala kay Sanchez bilang bahagi ng isang "propaganda blitz" para suportahan ng taumbayan ang death penalty.

Nakatanggap ng pitong parusa ng reclucion perpetua si Sanchez dahil sa rape-slay ng UP Los Baños students na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993.

Una nang sinabi ni ng Department of Justice na plano nilang suspindihin ang pagproproseso ng mga GCTA hangga't ma-review ang guidelines ng Bureau of Corrections.

Dahil dito, bumuo ang DOJ at Department of the Interior and Local Government inter-agency committee.

"Maayos ang layunin ng R.A. 10592. Pero, dahil sa kapalpakan ng ilang opisyal, sinadya man o hindi, pilit nilang binabaluktot ang tunay na diwa ng batas na yan," dagdag pa ng senadora, na nakakulong din.

Maliban sa pagiging kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte, kilalang tutol si De Lima sa panunumbalik ng parusang kamatayan.

Dati nang nananawagan si Duterte, sampu ng kanyang mga kaalyado, na maibalik ang bitay.

Drug lords, 'heinous crime' convicts napalaya ng GCTA

Samantala, isiniwalat kamakailan ng BuCor na aabot sa 1,914 inmates na nakulong para sa "heinous crimes" ang maagang pinakawalan matapos ipatupad ang RA 10592.

'Yan ay kahit sinasabi ng batas na hindi dapat saklaw ng GCTA ang mga nagsasagawa ng karumal-dumal na krimen:

"[R]ecidivists, habitual delinquents, escapees and persons charged with heinous crimes are excluded from the coverage of this Act."

Gayunpaman, walang klarong pakahulugan sa heinous crimes simula nang masuspinde ang pagpapatupad ng death penalty taong 2006.

Ayon kay BuCor legal chief Frederic Anthony Santos, tanging numero lang ang maaari nilang ilabas pagdating sa mga napakawalan at hindi kasama ang mga pangalan.

"Numbers lang, walang pagkikilanlan. Baka hunting-in pa ng complainant. [Hindi] puwedeng sabihin [ang] mga pangalan maliban na lang kung may utos ng korte," sabi ni Santos sa ulat ng News5.

Kasama sa mga napalabas ay nagkasala kaugnay ng:

  • pagpaslang (797)
  • panghahalay (758)
  • robbery with violence or intimidation (274)
  • parricide (29)
  • kidnapping with illegal detention (5)
  • destructive arson (3)

Kahapon, sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na apat na Chinese drug lords ang napakawalan sa Bilibid ngayong Hunyo lamang.

Pinakawalan daw sila sa kostodiya ng Bureau of Immigration para sa posibleng deportation.

Pero binago bahagya ni Lacson ang sinabi niyang datos at ginawang lima sa panayam ng dzBB kanina.

"Bukod sa lima, may tatlo pa, isa na-release sa Davao Penal Colony. Taiwan drug lord naman yan. Tapos meron sa Palawan, 2 pa, drug lord din, na-release noong April," wika ni Lacson. — may mga ulat mula kina Kristine Joy Patag, Cecille Suerte Felipe at News5

ANTONIO SANCHEZ

BUREAU OF CORRECTIONS

DEPARTMENT OF JUSTICE

GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE

HEINOUS CRIMES

LEILA DE LIMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with