^

Bansa

‘Designated Survivor’ sa Pinas itinulak

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isinulong ni Sen. Panfilo Lacson ang pagkakaroon ng “reserba” pang lider ng bansa sakaling mapahamak ang Vice President, Senate President at House Speaker na kahalili ng Pangulo.

Isinampa ni Lacson ang Senate Bill 982, na tinaguriang “Designated Survivor” Bill bunga na rin ng patuloy na pagtaas ng banta ng terorismo sa iba’t ibang panig ng mundo, mga kalamidad at “exceptional circumstances”.

Anya, walang pinipi­ling lugar, okasyon at oras ang terorismo.

Ayon kay Lacson, maraming mga pagkakataon na magkakasama sa mga okasyon ang Pangulo, mga miyembro ng gabinete at mga lider ng Kongreso.

Sa State of the Nation Address, taun-taon nagsasama-sama ang President, Vice President, Cabinet members, mga opisyal ng AFP, PNP, mga local government officials at miyembro ng diplomatic corps.

Nakasaad sa panukala na kapag ang lahat ng mataas na lider ng bansa ay nasa isang pagtitipon, dapat may aatasan ang Pangulo na nakahandang pamalit sa mga ito, at nakatago sa isang ligtas na lugar para mamuno sa bansa sakali man na silang lahat ay mapahamak nang sabay-sabay.

Matitigil lamang ang pagganap bilang pinuno ng pamahalaan ng “Ac­ting President” 90 araw matapos na maluklok sa puwesto ang bagong Pa­ngulo.

 

DESIGNATED SURVIVOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with