Signal No. 2 itinaas sa dalawang lugar, 'Ineng' lalabas bukas
MANILA, Philippines — Napanatili ng Severe Tropical Storm Ineng ang lakas nito habang tinutumbok ang katimugang bahagi ng Taiwan at Batanes, ayon sa pinakahuling ulat ng Pagasa.
Natagpuan ang mata ng bagyo 360 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan kaninang alas-kwatro ng hapon na may maximum sustained winds na 95 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pabugsu-bugsong hangin na 115 kilometro kada oras.
Gumagalaw ito sa bilis na 25 kilometro kada oras.
Samantala, nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
- Batanes
- Babuyan Islands
Signal No. 1 naman sa:
- Cagayan
- Isabela
- Apayao
- Kalinga
- Northern Abra
- Ilocos Norte
"Areas under Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS), especially those under higher TCWS, are warned against strong winds associated with STS 'INENG,' dagdag ng Pagasa.
Pinakamalapit ang bagyong Ineng sa probinsya ng Batanes bukas ng umaga at nakikitang lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng gabi.
Peligroso pa rin ang paglalayag sa mga lugar na may warning signal, maliban sa eastern seaboards ng Central Luzon, Southern Luzon at Visayas.
Ngayong gabi, mararanasan ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa
- Batanes
- Cagayan (kasama ang Babuyan Islands)
- Ilocos Provinces
- Apayao
- Kalinga
- Abra
Mahihina hanggang katamtaman na may sunod-sunod na malalakas na pag-ulan ang mararanasan sa:
- Metro Manila
- Zambales
- Bataan
- Cavite
- Laguna
- Batangas
- Rizal
- Mindoro Provinces
- hilagang bahagi ng Palawan (kasama ang Calamian at Cuyo Islands)
- Aklan
- Antique
- kanlurang bahagi ng Iloilo
- nalalabing bahagi ng Ilocos Region
- Cordillera Administrative Region
- Cagayan Valley
- Latest