^

Bansa

Marcos: Recruitment ng Kaliwa lalakas 'pag pinapasok ang AFP, PNP sa eskwela

James Relativo - Philstar.com
Marcos: Recruitment ng Kaliwa lalakas 'pag pinapasok ang AFP, PNP sa eskwela
"Ano yan garison?! Tiyak na ang daming sasaling estudyante sa mga 'progressive organizations' kung ilalagay mo ang mga pulis at militar sa mga unibersidad," sabi ni Marcos sa isang pahayag.
File

MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang senador na huwag ituloy ang planong pagpapapasok ng mga militar at pulis sa mga eskwelahang balwarte ng aktibismo.

Imbis na mapigilan ang recruitment sa mga maka-Kaliwang grupo, lalo lang daw itong lalakas kung babantayan ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police ang bawat galaw ng mga estudyante sa mga paaralan.

"Ano yan garison?! Tiyak na ang daming sasaling estudyante sa mga 'progressive organizations' kung ilalagay mo ang mga pulis at militar sa mga unibersidad," sabi ni Sen. Imee Marcos sa isang pahayag.

"Imbes na bigyan mo ng solusyon, lalu mo lang pinalala ang sitwasyon sa mga paaralan."

Unang ipinalutang sa Senado ang planong pagpapapasok ng PNP sa Polytechnic University matapos magreklamo ang ilang magulang sa hindi pag-uwi ng mga anak matapos ma-recruit sa mga militanteng grupo.

Bilang tugon, nagkasa naman ng "walkout protest" ang mga estudyante sa iba't ibang panig ng bansa nitong Martes sa dahilang paglabag daw ito sa "academic freedom."

Sa ulat naman ng Davao Today, sinabi naman ni Davao City Police Office director Alexander Tagum na plano nilang magtalaga ng "police intelligence" sa loob ng limang eskwelahan para i-monitor ang aktibidad ng mga grupong kanyang iniugnay sa Communist Party of the Philippines at New People's Army.

Sabi pa ni Marcos, oras na "sakupin" ng armadong pwersa ng gobyerno ang mga eskwelahan ay patutunayan lang nilang tama ang mga "NPA recruiter."

"Hayaan nating mag-organisa nang malaya ang mga estudyante. Ito lang ang paraan para mahasa nila ang kanilang paninindigan at pag-alam ng tama sa mali," dagdag pa niya sa hiwalay na pahayag sa Inggles.

Inudyok naman niya ang kabataan na makiisa na lang sa sa mga programa ng Sangguniang Kabataan at National Youth Commission kaysa labanan ang gobyerno.

Human Security Act

Bagama't ipinatupad at inamyendahan ni Ferdinand Marcos, ama ni Imee, ang Anti-Subversion Law of 1957 na nagbabawal sa pagsali sa CPP, inirehistro ng baguhang senador ang kanyang pagtutol sa mga panawagang buhayin ito.

Matatandaang nanawagan si Department of the Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na maibalik ang batas upang kontrahin ang pagrerekluta ng mga rebeldeng komunista sa hanay ng kabataan.

Matapos kasing ma-repeal ang batas, hindi na itinuturing na krimen ang pagsali rito.

Sumalungat dito si Marcos at sinabing palakasin na lang ang Human Security Act of 2007 sa pamamagitan ng Senate Bill 630, upang maparusahan ang rebelyon at insureksyon nang "walang diskriminasyon" sa ideolohiya, relihiyon at pulika.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

IMEE MARCOS

MILITANT ACTIVISM

NEW PEOPLE'S ARMY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with