^

Bansa

Libu-libong estudyante nag-walk out para itaboy ang PNP, AFP sa eskwela

James Relativo - Philstar.com
Libu-libong estudyante nag-walk out para itaboy ang PNP, AFP sa eskwela
Ito raw ang kanilang pagkilos laban sa panawagan ng ilang opisyal ng gobyerno na masuyod ng mga alagad ng batas ang mga paaralan dahil sa recruitment ng ilang "maka-Kaliwang" grupo.
Twitter/College Editors Guild of the Philippines

MANILA, Philippines — Nagsilabasan sa kani-kanilang mga silid-aralan ang libu-libong estudyante sa buong Pilipinas bilang pagkundena sa planong pagpapapasok ng mga pulis at militar sa mga eskwelahan.

Ito raw ang kanilang pagkilos laban sa panawagan ng ilang opisyal ng gobyerno na masuyod ng mga alagad ng batas ang mga paaralan dahil sa recruitment ng ilang "maka-Kaliwang" grupo.

Sa kanilang inilabas na pahayag kahapon, sinabi ng grupong UP Rises Against Tyranny and Dictatorship na banta ito sa "academic freedom" sa mga eskwelahan.

"With the proposed intervention of the police and military in state universities including the University of the Philippines, such act is expected to lead to mass surveillance and monitoring on the students, faculty members, and officials, especially those who choose to take a stand and voice out the real state of our nation," sabi nila.

Sa Unibersidad ng Pilipinas — Diliman pa lang kanina, tinatayang nasa 5,000 ang dumalo bandang 11:30 a.m. sa makasaysayang A.S. Steps ng Palma Hall.

"Hamon sa kabataan na labanan ang tumitinding pasismo at tumindig para sa karapatan at kinabukasan," banggit naman ng League of Filipino Students sa hiwalay na pahayag.

Ayon sa "protest map" na inilabas ng Youth Act Now Against Tyranny, lumalabas na nilahukan ito ng mga estudyante mula Luzon hanggang Mindanao..

In-endorso rin ng mga student regent ng UP at Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas ang nasabing pagkilos, na tinawag din nilang "Araw ng Pagluluksa."

Luzon

Sa Kamaynilaan, naglunsad ng mga "decentralized" o hiwa-hiwalay na aksyon sa iba't ibang pribado at pampublikong eskwelahan.

Nagsanib-pwersa naman sila sa paanan ng Mendiola, Maynila bandang ala-una ng hapon at Liwasang Bonifacio pagdating ng alas-tres.

Sa UP Baguio, makikita naman ang pagbarikada ng mga estudyante sa kanilang eskwelahan.

Visayas

Kaugnay ng mga aktibidad, opisyal ding sinuspinde ang mga klase sa UP Visayas sa Iloilo, UP Miag-ao at UP Tacloban.

Sa UP Visayas, makikita naman sa overhead shot na ito ng mga nag-walkout na estudyante.

Makikita naman sa video na inilabas ng opisyal na publikasyon ng UP Cebu kung paanong lumalabas mula sa kani-kanilang classroom ang mga kabataan.

Mindanao

Hindi naman nakaligtas mula sa mga protesta ang Davao City, na kilalang tirahan ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Puno't dulo ng mga protesta

Matatandaang sumang-ayon ang presidente ng PUP sa mga mungkahi na papasukin sa kanilang eskwelahan ang mga pulis matapos ireklamo ng ilang magulang ang "pagkawala" ng kanilang mga anak matapos sumali sa mga militanteng organisasyon.

Gayunpaman, ilan sa mga binanggit na "nawawalang" estudyante ay lumabas din sa social media at sinabing hindi sila "kinidnap" at "pinipilit" ng Kaliwa, gaya na lang ni Alicia Lucena.

Sa ulat ng Davao Today nitong Biyernes, sinabi naman ni Davao City Police Office director Alexander Tagum na plano nilang magtalaga ng "police intelligence" sa loob ng limang eskwelahan para i-monitor ang aktibidad ng mga grupong kanyang iniugnay sa Communist Party of the Philippines at New People's Army.

Una na ring nanawagan si PNP chief Gen. Oscar Albayalde na ma-review ang Soto-Enrile Accord, na kasunduang nilagdaan para pigilan ang presensya ng mga armadong pwersa ng gobyerno sa Unibersidad ng Pilipinas.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

MILITANT ACTIVISM

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PROTEST

WALKOUT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with