^

Bansa

Digong ok ibalik ang Dengvaxia

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Digong ok ibalik ang Dengvaxia
Sinabi ng Pangulo na kapag inirekomenda sa kanya ng mga ekspertong Filipino ang paggamit sa Dengvaxia ay wala siyang pagtutol dito.
AFP

MANILA, Philippines — Bukas si Pangulong Duterte na gamitin ang kontrobersyal na Dengvaxia vaccine kung irerekomenda ito sa kanya ng mga eksperto.

Sinabi ng Pangulo na kapag inirekomenda sa kanya ng mga ekspertong Filipino ang paggamit sa Dengvaxia ay wala siyang pagtutol dito.

Aniya, may Dengue epidemic na sa bansa at idineklara na ito ng Department of Health dahil sa lumolobong bilang ng nagkasakit nito at nasawi sa bansa.

“I am open to use of Dengvaxia again. Mara­ming patay. It’s an epide­mic,” wika ng Pangulo.

Umabot na sa 160,000 ang dengue cases sa bansa at 600 na ang nasawi mula Enero hanggang Hulyo ng taong ito.

Magugunita na inirekomenda ni dating Health Sec. at Iloilo Rep. Janette Garin na ikunsidera ng gobyerno ang paggamit ng anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

“If Dengvaxia is proven effective to those who already had dengue in the past, then its application to these individuals will surely cause the decline of the overall number of cases of dengue which plague the residents of this country,” giit naman ni Panelo.

Mariin naman ang pagtutol dito ni Public Attorney’s Office chief Persida Acosta na gamitin ang Dengvaxia dahil baka makaapekto ito sa kasong isinampa laban kay Garin.

vuukle comment

DENGVAXIA VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with