16 lugar nasa state of calamity sa dengue

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 16 lugar ang isinailalim sa state of calamity kaugnay ng idineklarang national dengue epidemic sa buong bansa.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, ang mga lugar na isinailalim sa state of calamity ay ang Dingalan, Aurora; Cavite; Calamba sa Laguna; Brgy. Punta Baja sa Rizal, Palawan.
Gayundin ang bayan ng Pontevedra at Roxas sa lalawigan ng Capiz; Maasin sa Iloilo; Culasi at Sebaste sa Antique; mga lalawigan ng Leyte, Samar at Eastern Samar, at Tantangan at Nurala sa South Cotabato.
Samantala patuloy naman ang monitoring sa iba pang lugar na mataas ang kaso ng dengue.
Una ng idineklara ng Department of Health ang national dengue epidemic matapos lumobo na sa 146,062 ang kaso ng dengue at nasa 622 ang nasawi.
- Latest






















