^

Bansa

Pinoy fighters 1-4 lang sa ONE: Dawn of Heroes

James Relativo - Philstar.com
Pinoy fighters 1-4 lang sa ONE: Dawn of Heroes
Makikita sa litrato ang paghaharap nina Eddie Alvarez (kaliwa) at Eduard Folayang (kanan).
Philstar.com/Erwin Cagadas Jr

MANILA, Philippines — Maalat ang naging laban ng Pilipinas Biyernes ng gabi matapos humakot ng talo mula sa mga dayuhang katunggali sa ONE: Dawn of Heroes sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Sa limang laban ng Filipino fighters, iisa lang ang nanalo sa kanila sa katauhan ni Danny Kingad.

Lahat sila ay miyembro ng Baguio-based na Team Lakay.

Edward Kelly vs. Xie Bin

Unang sumabak ang wushu practitioner na si Edward Kelly laban sa Tsinong si Xie Bin.

Gayunpaman, hindi siya pinalad matapos tawagan ng technical decision sa ikalawang round.

Nagtamo ng injury si Kelly matapos mapuruhan ni Xie sa likod ng kanyang ulo.

Nangyari 'yan matapos patawan ng "injury time" si Kelly nang maitala ang isang unintentional foul mula kay Xie.

Honorio Banario vs. Dae Sung Park

Tulad ng mga Pinoy na nauna sa kanya sa fight card, natalo rin si Honorio Banario sa nakalabang banyaga.

Lamang sa strikes at submission ang Koreanong si Dae Sung Park at nakapagpakawala ng ilang malalakas na roundhouse kicks kay Banario.

Nauwi sa unanimous decision ang laban pabor kay Park matapos ang ikatlong round.

 

Tumunog ang bell nang hindi nakaaalis sa yakap at submission si Banario.

Geje Eustaquio vs. Yuya Wakamatsu

Panalo via technical knockout ang Hapon na si Yuya Wakamatsu kontra sa Pilipinong si Geje Eustaquio matapos mapabagsak sa unang round pa lamang.

 

Tumagal lang ang bakbakan ng isang minuto at 59 segundo. 

Danny Kingad vs. Reece McLaren

Nakabawi naman sa main card ang Team Lakay matapos magwagi ni Kingad laban sa Australyanong si Reece McLaren.

Nagawang manalo ni Kingad matapos ang split decision nang panigan ng dalawang hurado.

Naging maatikabo ang balikan ng dalawa matapos nilang malamangan ang isa't isa sa iba't ibang bahagi ng laro.

Ito ang una at tanging panalo ng Pilipinas sa event.

Eduard Folayang vs. Eddie Alvarez

Matapos ang kapansin-pansing kalamangan ni Eduard Folayang sa unang round, napa-tapout ni Eddie Alvarez ang Pilipino sa unang yugto.

Nagwagi ang dating UFC lightweight champion gamit ang rear-naked choke sa loob ng dalawang minutos at 16 na segundo.

Mag-aadvance si Alvarez sa lightweight world grand prix finals.

DAWN OF HEROES

MARTIAL ARTS

MIXED MARTIAL ARTS

ONE CHAMPIONSHIP

TEAM LAKAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with