Angkas humingi ng paumanhin tungkol sa kanilang 'sex' tweet
MANILA, Philippines — Nag-sorry ang motorcycle hailing service na Angkas patungkol sa kanilang kontrobersyal na tweet na nakita ng marami bilang mapaglarong atake sa isang sensitibong paksa.
Sa kanilang paskil na ngayo'y burado na, inihalintulad nila sa pakikipagtalik ang kanilang serbisyo na sa una lang daw nakakatakot.
"Angkas is like sex. It's scary the first time pero masap na ulit-ulitin. New user? Use promo code ANGKASARIWA on your first 2 rides," sabi ng Angkas.
Hindi naman naiwasan ng Philippine National Police na sitahin ang kumpanya lalo na't baka makadama lang daw ng takot ang mga pasahero.
Tinawag din nila ang atensyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board pagdating dito.
"This is not acceptable to commuters. Matatakot ang tao sa Angkas pag ganito. This is not promoting public safety in transport business anymore," ayon sa PNP.
This is not acceptable to commuters. Matatakot ang tao sa Angkas pag ganito. This is not promoting public safety in transport business anymore hen @LTFRB_Official @LTFRB. pic.twitter.com/pA63OeUJfw
— PNP Tweets (@PNPhotline) July 31, 2019
Tinanggap naman ng Angkas ang puna.
"[W]e must admit that we made a misstep today. We would like to emphasize that making our riders feel uncomfortable is the last thing we want to do. For this, we sincerely apologize," sabi ni Angeline Tham, chief executive officer ng Angkas, sa isang pahayag Huwebes.
Dagdag ni Tham, pinagsisisihan nila kung naiparamdam nila sa nasabing tweet na hindi ligtas ang kanilang mga parokyano na maaaring nakapagbigay ng duda sa kanilang integridad.
???????? pic.twitter.com/qfCSGiet6Q
— Angkas (@angkas) July 31, 2019
Simple lang naman daw ang mensaheng nais nilang ipahiwatig sa tweet: na mapagkakatiwalaan ang kanilang serbisyo oras na masubukan ito.
Kilala ang Angkas kanilang makulay at "meme-worthy" na mga paskil upang i-endorso ang kanilang serbisyo, na madalas nakagigiliwan ng commuters.
"If nothing else, our 99.997% safety record is a testament to the quality of our service," wika pa ni Tham.
Humingi rin sila ng tawad sa kanilang mga bikers lalo na't alam nilang naturuan naman silang respetuhin ang mga pasahero.
Sa kabila ng mga ito, nanindigan si Tham at Angkas na hindi dapat tignan ang diskusyon tungkol sa sex bilang masamang bagay.
"Sex should never be used to create shame, fear, or disgust, and certainly not used lightly for the sake of some buzz."
Kasalukuyang nasa anim na buwang "pilot run" ang Angkas matapos pahintulutan ng Department of Transportation mag-operate noong Hunyo.
PNP 'walang moral ascendancy' mamuna?
Sa kabila ng paninita ng PNP sa Angkas, viral naman ang pagkainis ng ilan sa social media lalo na't wala raw silang karapatan magsalita pagdating sa kalaswaan at sexual harassment.
Ayon kay @AlfeOmaga sa Twitter, kapulisan mismo ang promotor ng harassment sa pangunguna ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Hoy PNP wag kang bida bida kung meron mang numero unong harasser at nagpapakalat ng kultura ng kabastusan at kamanyakan, KAYO 'YUN AT ANG DIYOS NIYONG SI DUTERTE, FASCIST PIGS
— Al Omaga (@AlfeOmaga) July 31, 2019
Sabi naman ni @artemisxels, hangga't hindi sinisita ng PNP si Duterte ay hindi nila pakikinggan ang kapulisan pagdating sa Angkas.
the president has admitted to rape, said women should be shot in the vagina, and has made countless mysoginistic and sexist comments
— celeste valentine ?? (@artemisxels) July 31, 2019
until you have the same energy for him we're not hearing you clowns.
Si @eragon2024 naman, nagbiro pa na baka "manlaban" na sa susunod ang Angkas matapos ang kanilang pahayag.
Madalas iniuugnay ng kapulisan sa "panlalaban" ng ilang suspek ang pagkakapatay ng marami sa ilalim ng madugong war on drugs ng administrasyon.
- Latest