Lifestyle check sa PCSO officials
MANILA, Philippines — Magsasagawa ng lifestyle check ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban sa mga kasalukuyan at dating opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office kaugnay sa isyu ng korapsyon sa operasyon ng Small Town Lottery.
Ayon kay PACC Comm. Atty Greco Belgica, kabilang sa isasalang sa lifestyle check ang mga miyembro ng PCSO board gayundin si ex-general manager Alexander Balutan.
“We will be conducting a life style check against all of them after the pronouncement of the President that he is closing down PCSO operations for massive corruption. On top of the cases that is already pending before us,” wika ni Belgica.
Samantala, walang plano si Pangulong Duterte na mag-sorry sa mga may-ari ng lotto outlets sa perwisyong idinulot ng utos nitong pagpapahinto ng operasyon ng lotto at iba pang gaming operations ng PCSO.
“Unang-una marami na silang kinita. And beyond that, they should be happy on the findings of the President, that there is no corruption. They should rejoice,” wika ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.
- Latest