^

Bansa

Panelo: Int'l lawyer Amal Clooney 'pantapat lang ni Maria Ressa sa akin'

Philstar.com
Panelo: Int'l lawyer Amal Clooney 'pantapat lang ni Maria Ressa sa akin'
Sinabi ito ni presidential spokesperson Salvador Panelo kahit na ayon sa batas, ang solicitor general ang kinatawan ng bansa sa mga kasong isinasampa ng mga ahensya at opisyales ng pamahalaan sa Korte Suprema at Court of Appeals.
Video grab from PCOO

MANILA, Philippines — Naghahanap lang ng katapat — iyan ang banat ng tagapagsalita ng pangulo na si Salvador Panelo sa balitang kakatawanin sa korte ng bigating abogadang si Amal Clooney ang Pilipinong peryodista at Rappler CEO na si Maria Ressa sa kinakaharap niyang mga kaso.

“Palagay ko, naghahanap lang sila ng katapat ko,” sabi ni Panelo sa isang panayam sa Malacañan, Martes.

Si Panelo rin ang kasalukuyang chief presidential legal counsel ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Sinabi ito ni Panelo kahit na ayon sa batas, ang solicitor general ang kinatawan ng bansa sa mga kasong isinasampa ng mga ahensya at opisyales ng pamahalaan sa Korte Suprema at Court of Appeals. 

Noong Pebrero lamang, inaresto si Ressa sa kasong cyberlibel kaugnay ng isang “unethical” na artikulo na nailathala noong 2012 ukol kay Wilfredo Keng, isang businessman. 

Sinampahan din si Ressa ng tax evasion, sa kanyang diumano'y paglabag sa Section 255 ng Tax Code dulot ng hindi pagbibigay alam ng tamang impormasyon ukol sa kanyang tax returns noong 2015, na umaabot sa P162 milyon. 

Una nang sinabi ni Ressa na walang batayan ang mga inihaing kaso laban sa kanya, at sadyang ginagawa raw upang patahimikin ang kritikal na pamamahayag ng media.

Sa pananaw naman ng National Union of Journalists of the Philippines, tila paborito nang sampolan ni Duterte ang Rappler para takutin ang press.

Pangungunahan ni Clooney ang lipon ng mga abogadong tatrabaho sa mga kaso ni Ressa.

“Sasagarin namin ang lahat ng ligal na paraan upang mapanatili at maipagtanggol ang kalayaan ng pamamahayag at bisa ng batas sa Pilipinas,” sabi ni Clooney sa Ingles

Hindi naman daw pipigilan ng Palasyo si Clooney.

“They are welcome to defend her (Malaya silang ipagtanggol si Ressa),” dagdag pa ni Panelo. 

Sino ba si Clooney?

Kabilang si Clooney sa mga abogadong gamay ang paglilitis ng mga kasong may kinalaman sa karapatang pantao at internasyonal na batas.

Kasapi rin siya sa Doughty Street Chambers, Clooney and Caoilfhionn Gallagher law firm.

Noong 2015, naging kinatawan si Clooney ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa United Nations, matapos mahatulan ng pagkakakulong bunga ng maling paggamit ng pondo mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Malapit na kaalyado ni Duterte si Arroyo, na kasalakuyang tagapagsalita ng Kamara at kinatawan ng distrito ng Pampanga. — Philstar.com intern Blanch Marie Ancla

AMAL CLOONEY

MARIA RESSA

RAPPLER

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with