Suporta kay Romualdez para speaker bumuhos
MANILA, Philippines — Tila pagpapakita ng puwersa ang ginawang pagtitipon ng mga pangunahing lider at politicial parties kahapon para suportahan sa speakership si Leyte Rep. Martin Romualdez.
Ayon kay House Majority leader at Capiz Rep. Fredenil Castro, ito ang kauna-unahang serye ng caucus na gagawin kung saan layunin ng coalition na magkaisa ang mga political parties at iba pang bloc sa Kamara para mapabilis ang pagpasa ng priority bills ng Pangulo.
Giit pa ni Castro, presidente ng National Unity Party (NUP), na nagdesisyon sila na mag-cross party lines at magsama-sama para mapabilis ang pag-apruba sa priority bills ng Pangulo sa papasok ng 18th Congress.
Para naman kay Albay Rep. Joey Salceda, nagdesisyon ang mga political parties at iba pang bloc sa Kamara para magkaroon sila ng malinaw na imahe ng reporma na isinusulong ni Romualdez na ipapatupad sa susunod na kongreso.
Nilinaw naman ni Rep. Michael Defensor ng Anak Kalusugan partylist na karamihan sa kanyang mga kasama ay lumagda sa manifesto of support para kay Romualdez.
Bukod naman sa NUP, PDP-Laban at partylist coalition, kabilang din sa mga dumalo sa multiparty caucus ang mga miyembro ng Lakas-CMD, Nacionalista Party at Liberal Party.
- Latest