^

Bansa

Pinay dinukot, ginahasa ng Kuwaiti police

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
Pinay dinukot, ginahasa ng Kuwaiti police
Ayon kay Embassy Chargé d’Affaires Mohd Noordin Lomondot, nag-isyu na ng warrant of arrest ang Kuwaiti authorities laban sa suspek na si Mr. Fayed Naser Hamad Alajmy, 22.

MANILA, Philippines — Isang Pinay household worker ang dinukot at ginahasa ng isang Kuwaiti police officer pagdating sa airport ng naturang bansa.

Ayon kay Embassy Chargé d’Affaires Mohd Noordin Lomondot, nag-isyu na ng warrant of arrest ang Kuwaiti authorities laban sa suspek na si Mr. Fayed Naser Hamad Alajmy,  22. 

Lumalabas sa report na nitong Hunyo 4, 2019, si Alajmy ang nag-assist sa biktima nang duma­ting ito sa airport ng Ku­­wait para sa finger scanning registration.

Subalit matapos ang scanning ay kinidnap ang biktima at dinala sa isang lugar kung saan siya ginahasa ng suspek. 

Nakikipagtulungan na ang Department of Foreign Affairs (DFA)   sa pamamagitan ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait para sa agarang pag-aresto sa suspek.

Dagdag pa ni Lomondot, na nakipagtulungan naman ang employer ng biktima sa embahada ng Pilipinas at sa mga local authorities sa Kuwait para mabigyan ng hustisya ang sinapit ng naturang Pinay worker.

PINAY HOUSEHOLD WORKER RAPED

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with