Economic sabotage vs PhilHealth execs
MANILA, Philippines — Hinikayat ni Senior Citizen Rep. Francisco Datol ang Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong economic sabotage ang mga opisyal at tauhan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na sangkot sa mga maanomalyang claims.
Ayon kay Datol, kasong economic sabotage through large-scale estafa ang dapat isampa sa bawat isang may kinalaman sa P154 bilyong fraud dialysis claims.
Paliwanag ng kongresista, maaaring ang nabunyag na P154-B scam ay tip of iceberg lamang at posibleng matagal nang nangyayari ang scam sa PhilHealth claims.
Iginiit nito na dapat siguruhin ng DOJ na malakas ang kasong kriminal at sibil na isasampa sa mga sangkot dito para masiguro na makukulong.
Nauna nang pinaiimbestigahan ni Datol ang eye surgery anomalies sa ahensiya.
Kasabwat ang ilang PhilHealth officials, modus umano ng mga tiwaling doktor na kumumbinsi sa mga senior citizens na sumailalim sa operasyon sa mata kahit di naman kailangan para lamang makakulimbat ng pondo sa PhilHealth. Naging sanhi anya ito ng pagkabulag ng ilang kawawang seniors.
- Latest