^

Bansa

Mga kulungan overpopulated

Gemma Amargo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mga kulungan overpopulated
Base sa annual audit report ng Commission on Audit (COA) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), mula sa ideal capacity ng mga kulungan na 25,268 inmates ay lumobo na ito sa 136,314 noong Disyembre 31, 2018.
Joven Cagande

Sa dami ng drug cases

MANILA, Philippines — Dahil sa pagtaas na bilang ng mga kaso ng illegal na droga at mabagal na aksyon sa korte kaya over populated na ang mga kulungan sa bansa.

Base sa annual audit report  ng Commission on Audit (COA) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), mula sa ideal capacity ng mga kulungan na 25,268 inmates ay lumobo na ito sa 136,314 noong Disyembre 31, 2018.

Sinabi ng COA na malinaw na paglabag ito sa BJMP Manual on Habitat, Water, Sanitation, Kitchen in Jail at sa United Nations Minimum Standard Rules para sa pagtrato sa mga preso.

Nakasaad sa kautusan ng UN na dapat mapanatili ang mga kulungan sa “climatic conditions” na may tamang tulugan at ventilation, habang sa manual naman ng BJMP ay pinapayagan ang 10 preso kada selda para sa 4.7 square meters na floor area.

Bunsod nito kaya nagbabala ang COA na ang kondisyon ng mga kulungan ay magdudulot ng panganib sa kalusugan ng mga preso na magdudulot naman para pumasok sila sa mga gangs para mabigyan ng proteksyon at benepisyong materyal.

Laganap na umano ito ngayon sa mga highly congested facilities na mga kulungan sa bansa.

Itinuturo ng COA ang nasabing sitwasyon dahil sa pagtaas ng bilang ng drug related cases, mabagal na pag-aksyon sa korte, mga hindi nakakapagpiyansa dahil sa kahirapan at kakulangan ng lupa para pagtayuan ng mga bagong kulungan.

vuukle comment

COMMISSION ON AUDIT

DRUG CASES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with