5K pulis magbabantay sa SONA
MANILA, Philippines — Para masiguro ang katahimikan sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa Hulyo 22, magtalaga ang Philippine National Police (PNP) ng 5,000 pulis para magbantay sa labas ng Batasan Complex.
Sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Major General Guillermo Eleazar, sa kabila nito ay paiiralin pa rin umano nila ang maximum tolerance sa mga ralista.
Nilinaw naman ni Eleazar na hindi sila maglalagay ng barbed wire para harangan ang mga magrarali tulad ng ginagawa nila nitong mga nakaraang taon dahil ang mga pulis umano ang haharang sa mga ito.
Wala naman umanong namomonitor ang pulisya na banta sa seguridad sa SONA ng Pangulo. Sa kabila nito patuloy na magiging alerto ang kapulisan.
Subalit ang malaking hamon umano sa PNP ay kung saan ilalagay ang iba’t ibang grupo ng mga raliyista na magpo-programa.
Katulad umano ng nakaraang tatlong SONA ay hangarin din umano ng kapulisan na maging mapayapa at maayos ito ngayon.
- Latest