^

Bansa

Duterte Youth nominees umatras daw dahil 'takot sa Kaliwa'; dokumento iba ang sinasabi

James Relativo - Philstar.com
Duterte Youth nominees umatras daw dahil 'takot sa Kaliwa'; dokumento iba ang sinasabi
Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni Cardema na pinili siya ng mga orihinal na nominado dahil sa karanasan niyang makipagdebate sa Kaliwa.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Sinabi ni dating National Youth Commission chair Ronald Cardema na umatras ang orihinal na limang nominado ng Duterte Youth party-list dahil sa takot makipag-debate sa mga kinatawan ng mga makakaliwang party-list, dahilan para magsumite siya ng substitution para sa grupo.

Sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni Cardema na pinili siya ng mga orihinal na nominado dahil sa karanasan niyang makipagdebate sa Kaliwa.

"During the campaign trail, napagitgit na tayo, nadikit tayo nang todo with the leftist groups. Kahit ‘yung wife ko natatakot na," sabi ni Cardema.

Naghain ng substitution ang grupo nina Cardema noong ika-12 ng Mayo, Linggo, isang araw ang halalan.

"Natatakot sila sa leftist party-list groups at gusto nila kayang ipagtanggol ang side natin lagi sa debate, sa plenary hall," paliwanag ni Cardema.

Hanggang ngayon, hindi pa naglalabas ng desisyon ang Commission on Elections kung hahayaang maluklok si Cardema, sampu ng mga bagong nominado, bilang mga kinatawan ng Duterte Youth.

Una nang sinabi ni Comelec commissioner Rowena Guanzon na wala pa siyang pinipirmahang resolusyon patungkol sa application ngunit tututulan daw niya ito.

Kung maaaprubahan ang kanilang petisyon, si Cardema ang magiging unang nominado ng kanilang party-list, na nakasungkit ng isang seat.

Kilala si Cardema, pati ang kanyang grupo, bilang "radical rightists" na tutol sa mga grupong iniuugnay nila sa Communist Party of the Philippines.

Pero sa mga kopya ng Notice of Withdrawal at substitute nominees na nakuha ng PSN, iba ang sinabi nilang dahilan kung bakit pinalitan ng Duterte Youth party-list ang kanilang mga nominado.

Mga dahilan sa pag-atras

Sa dokumentong isinumite sa Commission on Elections, lumalabas na hindi ito swak sa sinasabing dahilan ni Cardema.

Narito ang listahan ng mga orihinal na nominado at mga ibinigay nilang dahilan:

1st Nominee Ducielle Suarez Cardema:

"Specifically, I objectively passed on the responsibilty to the leadership of the party whose compassion and expertise are more fitting and would be mutually beneficial for the party in terms of pushing and lobbying for policies that may have a strong impact to the youth and professionals that the party represents."

2nd Nominee Joseph de Guzman: 

"Specifically, after careful contemplation and with strong idealism of the party, I see myself rather working unnoticed and supporting the political stance of the party away from the public opinion."

3rd Nominee Benilda de Guzman: 

Specifically, my passion for teaching is something I treasure the most and cannot be replaced for it is not just a profession, but a calling I shared with ypung minds over considerable years. Be as it may, I left to the intelligent minds the aspiration  for policy making that will help propel the ideologies of the party."

4th Nominee Arnaldo Villafranca: 

"Specifically, I wish to fulfil my obligation to my own family under normal and ordinary ways of living where privacy and familial life is being maintained."

5th Nominee Elizabeth Anne Cardema:

"Specifically, employement opportunities abroad where I can join my relatives and friends seem to offer promising experience. Henceforth, I believe that suh bomination may be best served by people who are more capable and possesses passion for policy making which I lack the most."

Nakalagay sa papeles na ika-10 ng Mayo ito inasikaso sa notaryo publiko at ipinasa sa Comelec noong ika-12.

Kung aaprubahan ng Comelec ang kanilang petisyon, papalitan sila ng mga sumusunod na nominado:

  • 1st Nominee: Ronald Cardema, 34
  • 2nd Nominee: Gian Carlo Galang, 36
  • 3rd Nominee: Catherine Santos, 33
  • 4th Nominee:  Kerwin Pagaran, 31
  • 5th Nominee: Sharah Macabali, 29
  • 6th Nominee: Allan Payawal, 27

Kwinekwestyon ngayon ng ilang grupo ang pagtakbo ng mga sumusunonod para katawanin ang sektor ng kabataan, na dapat ay 25 hanggang 30-anyos lang batay sa Section 9 ng Party-List System Act.

Pero giit ng Duterte Youth, kabataan at propesyunal ang kanilang nirerepresenta kung kaya't hindi sila saklaw ng probisyon.

Reaksyon ng ibang grupo

Kaugnay ng pahayag, sinabi ng grupong youth Act Now Against Tyranny na nagdadahilan lang si Cardema at ginawa lang ang substitution upang makaupo siya sa Kamara.

"While we can say that this reveals the insincerity of the partylist and its nominees to serve the country, this reason is an outrigfht lie to justify his last-minute bid for a Congress seat," sabi ng grupo.

Kinundena rin nila ang diumano'y "pambababoy sa eleksyon" at pagiging "hayok sa kapangyarihan" ng dating NYC chair.

Matatandaan na una nang sinabi ng election lawyer na si Romulo Macalintal na maaaring makasuhan ang nominado ng Duterte Youth sa kanilang pag-atras.

"Duterte Youth nominees who resigned to allegedly give way to National Youth Commission Chair Ronald Cardema may may face a criminal case under Article 234 of the Revised Penal Code," wika niya sa isang pahayag.

Aniya, panunuya raw sa prosesong elektoral ang ginagawa ng naturang grupo.

Dapat daw munang manumpa ang mga orihinal na nominado at saka na lamang magbitiw.

COMELEC

DUTERTE YOUTH

RONALD CARDEMA

SUBSTITUTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with