^

Bansa

Supporters ng Otso Diretso dismayado, lalayas na sa Pinas

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Supporters ng Otso Diretso dismayado, lalayas na sa Pinas
Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos mag-trending sa social media ang ­planong mag-migrate ng mga supporters ng Otso Diretso sa Canada, Australia at New Zealand.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Hindi pipigilan ng gobyerno ang mga Pilipinong gustong manirahan sa ibang bansa matapos umanong madismaya sa resulta ng katatapos na midterm elections.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos mag-trending sa social media ang ­planong mag-migrate ng mga supporters ng Otso Diretso sa Canada, Australia at New Zealand.

Nadismaya umano ang mga supporters ng Otso Diretso dahil walang nanalo sa kanila sa katatapos na halalan noong Lunes.

Ayon kay Panelo, malayang gawin ng mga dismayadong Pilipino ang kanilang planong m­angibang-bansa pero dapat tandaan ng mga ito na mas masarap pa ring manirahan at mabuhay sa sariling bayan.

“We wish them luck.They should remember that there’s no place like home,” giit pa ni Panelo.

Biro pa ng  kalihim na mag-ingat ang mga gustong mag-migrate sa Canada dahil baka mapabilang ang  mga ito sa kanilang basura.

OTSO DIRETSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with