^

Bansa

Mayor nagpagiba ng mga bahay, kulong

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mayor nagpagiba ng mga bahay, kulong
Sa 34-pahinang de­sis­yon ng Sandiganba­yan, pinatawan si Kauswagan Mayor Rommel Arnado ng anim na buwan hanggang tatlong taon at limang buwan na pagkakakulong sa bawat kaso ng grave coercion kung saan hinatulan siyang guilty sa tatlong kaso.

MANILA, Philippines — Dahil sa pagpapagiba sa ilang kabahayan noong 2013, hinatulan ng Sandiganbayan na makulong ang alkalde ng Lanao del Sur.

Sa 34-pahinang de­sis­yon ng Sandiganba­yan, pinatawan si Kauswagan Mayor Rommel Arnado ng anim na buwan hanggang tatlong taon at limang buwan na pagkakakulong sa bawat kaso ng grave coercion kung saan hinatulan siyang guilty sa tatlong kaso.

Sa record ng korte noong 2013, pinalayas umano ng mga tauhan ni Arnado ang magkakamag-anak na Sambuat sa kani-kanilang bahay sa Brgy. Tacub kung saan ang  alkalde umano ang nag-utos nito sa kanyang mga tauhan, ayon sa prosekusyon.

Ipinagiba umano ng alkalde ang mga bahay at kinontrol ang lupa.

Si Arnado ay naghain ng not guilty plea samantalang nagtago ang mga tauhan nito na sina Rey Camanian at Lauro Diputado, mga miyembro ng Civil Service Unit ng munisipyo.

Dahil dito kaya ipinag-utos ng korte ang pagpapalabas ng alias warrant of arrest laban sa kanila.

Sinabi ng mga biktima, na kinausap sila ng alkade at pinapaalis dahil hindi umano sa kanila ang lupa subalit tutol sila dito dahil mayroon naman silang hawak na titulo.

Wala rin umanong maipakitang court order ang mga akusado nang pasukin nila ang kanilang ari-arian at gibain ang mga bahay.

GRAVE COERCION

ROMMEL ARNADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with