^

Bansa

HNP bets nangunguna sa senatorial election

Edu Punay - Pilipino Star Ngayon
HNP bets nangunguna sa senatorial election
Hanggang kahapon ng alas-11:00 ng umaga, 10 kandidato ng HNP ang umakyat sa winning 12 batay sa mga election return na electronically transmitted sa PPCRV mula sa transparency server.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nangibabaw sa halalan noong Lunes ang mga kandidatong Senador ng Hugpong ng Pagbabago regional party ni Davao City Mayor Sara Duterte, batay sa quick count ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting.

Hanggang kahapon ng alas-11:00 ng umaga, 10 kandidato ng HNP ang umakyat sa winning 12 batay sa mga election return na electronically transmitted sa PPCRV mula sa transparency server.

Nangunguna sa listahan si re-electionist Sen. Cynthia Villar sa botong 24,391,803.

Nanatiling matatag sa pangatlong puwesto si dating Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa botong 19,769,534. Sumunod ang nagbabalik na dating senador na si Pia Caye­tano sa ikaapat sa botong 19,064,705 at panglima si dating Philippine National Police Chief Ronaldo “Bato” dela Rosa na may botong 18,169,994.

Nakapasok sa winning circle ang mga reeleksyunistang sina Senators Sonny Anga­ra, Koko Pimentel at Nancy Binay sa ikaa­nim, ika-11 puwesto sa mga botong 17,536,868; 14,089,180; at 14,067,009 ayon sa pagkakasunod.

Sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos, da­ting Metropolitan Manila Development Authority Chairman  Francis Tolentino at nagbabalik na senador na si Ramon “Bong” Revilla Jr.  ay nasa puwes­tong ika­walo, ikasiyam, at ika-sampu sa botong 15,306,974; 14,885,302; at 14,093,281 ayon sa pagkakasunod.

Nasa winning circle din ang dalawa pang kandidato mula sa ibang partido na sina re-electionist Senator Grace Poe at nagbabalik na senador na si Lito Lapid sa pangalawa at pampitong puwesto sa mga botong 21,238,984 at  16,393,083 ayon sa pagkakasunod.

Isa pang kandidato ng HNP na si re-electionist Sen. JV Ejercito ang dumidikit sa ika-13 puwesto sa botong  13,817,501.

Walang pumasok na mga kandidatong oposisyon ng Otso Diretso sa magic circle.

Ang mga bilang ay kumakatawan sa mga boto mula sa 82,996 ng 85,769 clustered precincts o 96.77%.

Sa natitirang 3.3% ng bibilanging mga boto, posible pang makapasok sa top 12 sina Ejercito at re-electionist Sen. Bam Aquino hanggang kahapon ng hapon.

HUGPONG NG PAGBABAGO

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with