^

Bansa

Gretchen Ho isinama sa bagong 'ouster diagram' ng Palasyo

James Relativo - Philstar.com
Gretchen Ho isinama sa bagong 'ouster diagram' ng Palasyo
"I’m confused too," sabi ng reporter sa kanyang tweet Miyerkules ng hapon.
Instagram/Gretchen Ho

MANILA, Philippines — Laking gulat na lang ng isang reporter mula sa Kapamilya network ang kanyang pagkakalagay sa panibagong diagram na inilabas ni Palasyo kaugnay ng diumano'y "destabilization plot" laban administrasyon.

Inilabas ni presidential spokesperson Salvador Panelo ang pinalawig na "matrix" kanina na patungkol sa mga personalidad na naninira raw kay Pangulong Rodrigo Duterte para ma-"boost" ang kandidatura ng opposition senatorial candidates.

"I’m confused too," sabi ng reporter sa kanyang tweet Miyerkules ng hapon.

Lumabas si Ho sa matrix kahit na nakasama niya sa private dinner si Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sa Malacañang.

"We were invited to a 'private dinner' in Malacañang. Hindi po sinabi na for 'supporters' of the president. I was there to have conversation and decided it would help to know the other side of things," wika niya

"As a media practitioner, it is our duty and responsibility to hear both sides."

'Hindi ko man kilala kung sino si Bikoy'

Inilabas ng Palasyo ang diagram matapos lumantad ni Peter Advincula, na nagpakilala bilang si "Bikoy," sa publiko bunsod ng mga diumano'y banta sa kanyang buhay.

Idinadawit ng Malacañang si "Bikoy" sa planong pagpapatalsik sa Pangulo matapos niyang iugnay ang pamilya Duterte, at kanyang dating aide na si senatorial candidate Bong Go, sa drug trade.

Diretsahan ding itinanggi ni Ho na hindi niya kilala ang mga personaheng iniuugnay sa "paninira" sa gobyerno.

"Regarding being included in the 'matrix,' I don’t even know who Bikoy is, I have never watched the videos nor shared them, and I have no idea who Rodel Jayme is," dagdag ng reporter.

Si Jayme ang web administrator ng website na metrobalita.net, na lagi daw nagbabahagi ng links patungkol sa "Ang Totoong Narcolist" videos.

In-indict siya ng Department of Justice nitong Lunes kaugnay ng "inciting to sedition."

Pero giit ni Jayme, siya lang ang gumawa ng website at walang kinalaman sa pag-uupload ng videos.

Panelo 'di kilala ang gumawa ng matrix

Sa press briefing din kanina, aminado si Panelo na hindi niya alam kung sino ang may gawa ng panibagong matrix katulad ng dati nilang inulutang.

"Ah, hindi ko alam, it was sent to me," sabi niya kanina.

Nanindigan naman siya na ibinigay lang ito sa kanya ng isang Atty. Jenny Ong mula sa Malacañang Palace.

Giit din ng Palasyo, magkaibang tao sina Advincula at ang "Bikoy" na nasa videos na nagdidiin sa mga Duterte matapos gamitan ng "voice analysis."

Gayunpaman, hindi rin daw niya alam kung sino ang nagkumpara ng mga boses nila sa recording.

"What do you mean? Ah, hindi ko alam iyan, basta prinesent lang sa amin, binigay lang."

GRETCHEN HO

OUSTER MATRIX

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with