^

Bansa

Pagtatayo ng LRT-1 Cavite extension sisimulan sa Martes

James Relativo - Philstar.com
Pagtatayo ng LRT-1 Cavite extension sisimulan sa Martes
Kuha sa loob ng bagon ng LRT-1.
The STAR/Edd Gumban, File

MANILA, Philippines —  Pormal nang sisimulan ang konstruksyon ng Manila Light Rail Transit System Line 1 Cavite extension ngayong Martes, ika-7 ng Mayo, na magdurugtog sa probinsya at Kamaynilaan.

Ayon sa Department of Transportation, mapapaiksi ng palalawiging linya ng tren ang isang oras at sampung minutong biyahe patungong 25 minutong commute mula Bacoor, Cavite hanggang Baclaran.

Ang Baclaran ang kasalukuyang nagsisilbing dulong istasyon ng ng LRT-1 malapit sa Baclaran Church sa Lungsod ng Parañaque.

Saklaw ng naturang proyekto ang pagtatayo ng walong bagong istasyon:

  • Redemptorist Station
  • MIA Station
  • Asiaworld Station
  • Ninoy Aquino Station
  • Dr. Santos Station
  • Las Piñas Station
  • Zapote Station
  • Niog Station

"Target ng Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Manila Corporation (LRMC) na simulan ang partial operability ng tren mula Baclaran hanggang Dr. Santos Avenue sa Parañaque City sa 4th Quarter ng 2021," ayon sa tweet ng DOTr kahapon. 

Dating hawak ng gobyerno ang LRT-1 ngunit isinapribado matapos pumirma ng concession agreement ang LRMC sa DOTr at Light Rail Transit Authority, Oktubre taong 2014.

Kalakip ng kasunduan ang pagpapaubaya ng maintenance at operation ng linya at P65 bilyong extension project sa Bacoor, Cavite. — James Relativo

LRT-1

MASS TRANSIT AND RAILWAYS PROJECT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with