^

Bansa

12 opisyal sa Isabela kinasuhan sa Ombudsman

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
12 opisyal sa Isabela kinasuhan sa Ombudsman
Kabilang sa kinasuhan sina Cauayan City Mayor Bernard Faustino M. Dy, at Vice Mayor Leoncio A. Dalin, Jr., City Councilors Edgar M. De Luna, Danilo B. Asirit, Marco Polo A. Meris, Salcedo T. Foronda, Garry G. Galutera, Reynaldo O. Uy, Edgardo A. Atienza, Jr., Bagnos A. Maximo, Victor H. Dy Jr., at Caesar H. Dy Jr.

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng graft sa Ombudsman ang 12 opis­yal ng Cauayan, Isabela kabilang dito ang Alkalde at Bise Alkalde matapos umanong pumasok sa isang kontrata sa pagpapatayo ng public market sa isang pribadong lupa.

Kabilang sa kinasuhan sina Cauayan City Mayor Bernard Faustino M. Dy, at Vice Mayor Leoncio A. Dalin, Jr., City Councilors Edgar M. De Luna, Danilo B. Asirit, Marco Polo A. Meris, Salcedo T. Foronda, Garry G. Galutera, Reynaldo O. Uy, Edgardo A. Atienza, Jr., Bagnos A. Maximo, Victor H. Dy Jr., at  Caesar H. Dy Jr.

Pinagharap ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices, Conduct prejudicial to the best interest of the service, Conduct unbecoming of a Public Officer, Dishonesty, Grave Abuse of Authority at Grave Misconduct ang nasabing mga opisyal.

Nag-ugat ang kaso matapos silang ireklamo ng isang Julio Maluyo, matapos umanong binigyan ng go signal ng mga local officials ang pagpapatayo ng Cauayan City Mega Market at ang kontrata ay ibinigay sa Ropali Group of Companies.

Ito ay sa kabila umano ng paghahabol ni Maluyo na siyang legal na may-ari ng lupa kung saan balak itayo ang palengke.

Iginiit ng nagreklamo na malinaw na land grabbing ang ginawa ng mga opisyal kaya sinampahan niya ito ng reklamo sa Ombudsman.

CAUAYAN ISABELA

OMBUDSMAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with