^

Bansa

Matibay, ligtas na pabahay siguruhin - PBB Partylist

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinasisiguro ng Partido ng Bayan ang Bida (PBB) Partylist na matibay ang konstruksyon ng mga government housing unit kasunod ng 6.1 magnitude na lindol na yumanig sa Metro Manila at Central Luzon.

Sinabi ni PBB Partylist 1st nominee Atty. Imelda Cruz, mahalagang masiguro na ligtas at matibay ang mga pabahay ng gobyerno gayundin ang ibat ibang istruktura kasunod ng 6.1 lindol na naging dahilan ng pagguho ng isang 4-storey na supermarket sa Porac, Pampanga.

Tatlo ang kumpirmadong nasawi sa gumuhong supermarket habang 2 katao din ang namatay sa Lubao matapos mabagsakan ng gumuhong pader.

Isusulong ng PBB sa Kongreso ang mura, disente at abot-kayang pabahay sa mga Filipino kasunod ng ulat na mahigit 6 milyon ang backlog ng gobyerno sa housing units.

PARTIDO NG BAYAN ANG BIDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with