Fake news sa eleksiyon binabantayan ng Comelec
MANILA, Philippines — Binabantayan ng Commission on Elections (Comelec) ang posibleng paglaganap ng fake news kasabay ng pagsisimula ng overseas absentee voting.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, mahigpit silang naka-monitor sa mga taong nagpaplanong sirain o guluhin ang overseas absentee voting sa pamamagitan ng pagpapakalat ng mga pekeng impormasyon.
Aniya, nito lamang Sabado sa pagsisimula ng overseas absentee voting meron na agad lumabas na fake news matapos na magkaroon ng maliit na aberya sa Hong Kong.
Kaugnay nito, hinikayat ni Jimenez ang publiko na agad ipagbigay-alam sa kanila ang anumang impormasyon o balita kaugnay ng halalan para matukoy ang katotohanan sa mga ito.
Bagamat nagkaroon ng ilang aberya sa unang araw ng ng absentee voting agad din naman itong naayos.
Dagdag ni Jimenez, malalaman lamang ang resulta sa May 13.
- Latest