^

Bansa

Xian Gaza lumabas ng 'Pinas kahit convicted; Detalye 'fake news' sabi ng BI

James Relativo - Associated Press
Xian Gaza lumabas ng 'Pinas kahit convicted; Detalye 'fake news' sabi ng BI
Kuha ni Xian Gaza sa airport.
Facebook/Xian Gaza

MANILA, Philippines — Binatikos ng Bureau of Immigration ang ngayo'y viral post ng convicted scammer na si Xian Gaza matapos ilahad kung paanong nakalabas ng bansa kahit may tatlong warrant of arrest at sinentensyahan ng limang taong pagkakakulong.

Sa paskil nitong Linggo, sinabi ni Gaza na umalis siya ng Pilipinas noong ika-30 ng Setyembre taong 2018.

Aniya, nagbook siya ng mga "decoy flight" papuntang Singapore at Taipei upang malusutan ang mga otoridad.

 

"'Yung kwento niya akala mo eksena sa action movie,” sabi ni Immigration spokesperson Dana Sandoval sa Ingles. "Binase raw niya ang kwento sa mga nangyari, kaso hindi naman talaga ganoon."

Nagkulong pa raw si Gaza sa banyo nang pasukin ng pulis ang eroplano para hindi mahuli.

"[M]ukhang mapupurnada pa at makukulong ng 5 years ang Kuya mo Xian! Tayo agad ako pucha! Deretso sa toilet sabay lock ng pinto. Hindi ko na nakayanan at tumulo na ang luha ko sa loob," sabi ng pugante.

Unang nakilala si Gaza matapos ayain ng date ang aktres na si Erich Gonzales sa pamamagitan ng billboard advertisement sa Maynila, na tinanggihan matapos mapag-alamang umaaligid sa aktres na si Ella Cruz.

Iniuugnay din siya sa ilang investment scam cases na umaabot ng milyun-milyong piso.

Walang HDO, 'loopholes'

Pero paglilinaw ng Immigration, walang inilalabas na hold departure order laban kay Gaza kung kaya't malayang nakalipad papalabas ng bansa.

"Sa kaso niya, wala siya noon noong umalis siya," ani Sandoval.

Pinabulaanan din niya na may nakausap na Immigration officer si Gaza na nagsabing "may red flag" ang kanyang pangalan.

Pinasakay daw siya ng eroplano dahil walang HDO ngunit tinawagan daw ang Philippine National Police at airport police.

"Kung alam niyo ang regular airport procedures, katawa-tawa ang storya niya. Ang daming loopholes," dagdag ng tagapagsalita ng Immigration.

"Kahit mag-book ka pa ng maraming flight, hindi ka matutulungang tumakas noon. Nakatala lahat sa sistema namin, at isang click lang alam na namin kung anong flight ang talagang kinuha ng isang tao."

Aniya, regular immigration clearance lang ang nangyari at walang "Hollywood-level storylines."

Kinumpirma naman ni Sandoval na hindi pa bumabalik ng Pilipinas si Gaza magpasahanggang ngayon.

Sa kabila nito, pinag-aaralan na raw ng immigration ang mga posibleng aksyon laban sa negosyante.

"Security risk yung paggamit sa Bureau para sumikat at manatiling relevant... Ginagawa niyang katatawanan ang airport procedures para magpapansin," banggit ni Sandoval.

'New citizenship, new life'

Sa kanyang post, sinabi rin ni Gaza na naging emosyonal siya dahil 'yon na ang huling sandali niya sa Pilipinas.

Banggit niya, kumuha na siya ng citizenship sa ibang bansa.

"Last month, I made a very big decision sa buhay ko. Kailangan kong mamili kung tatanggapin ko ba ang conditional pardon deal kapalit ng serbisyo ko sa NBI Anti-Fraud Division for 5 years with watch list and hold departure order or simulan ko na ang citizenship application ko, sa tulong ng Singaporean boss ko, sa isang bansa sa Latin Americas at tuluyan [na]ng iwan sa aking nakaraan ang bansang Pilipinas."

"Pinili ko 'yung huli. Bagong pagkikilanlan, bagong citizenship, bagong passport, bagong buhay. Salamat sa 25 taon ng mga alaala mahal kong Pilipinas," kanyang panapos.

BUREAU OF IMMIGRATION

XIAN GAZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with