^

Bansa

Tulong sa biktima ng masaker sa Bulacan, bumuhos

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Tulong sa biktima ng masaker sa Bulacan, bumuhos
Sa press conference, sinabi ni San Jose del Monte City Bulacan Ma­yor Arthur Robes na aa­kuin na ng lokal na pamahalaan ang pagpapalibing sa tatlong mi­yembro ng pamilya Casabuena na kinabibilangan ng 28-an­yos na si Jaymee at dalawang anak na sina Anton Gabriel, 8, at Joaquin Mateo, 5.
Facebook Photo

MANILA, Philippines — Bumuhos ang tulong sa pamilya ng mag-iinang minasaker sa Barangay Kaypian, San Jose del Monte City, Bulacan.

Sa press conference, sinabi ni San Jose del Monte City Bulacan Ma­yor Arthur Robes na aa­kuin na ng lokal na pamahalaan ang pagpapalibing sa tatlong mi­yembro ng pamilya Casabuena na kinabibilangan ng 28-an­yos na si Jaymee at dalawang anak na sina Anton Gabriel, 8, at Joaquin Mateo, 5.

Bukod sa financial assistance at trabaho sa overseas Filipino worker na ina ni Jaymee, inialok din ni Mayor Robes na mailibing sa sementeryo na pagmamay-ari ng lungsod ang labi ng mag-iina.

Nakipag-ugnayan na rin si Robes sa Social Welfare Department para alamin pa ang panga­ngailangan ng naiwang pamilya ng mga biktima ng masaker.

Dahil dito, kahit papaano ay napawi ang pagdadalamhati ng pa­milya Casabuena laluna ang OFW na ina ng namatay na si Jaymee at lola ng dalawang menor de edad.

Pinasalamatan din ni Mayor Robes ang San Jose del Monte City PNP sa pamumuno ni Police Lt. Col Orlando Castil Jr. dahil sa maagap na aksyon at agad na nahuli at hindi nakalayo pa ang mga salarin na kinilalang sina Wilson Nozal at Joselito Cortez.

ARTHUR ROBES

CASABUENA FAMILY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with