Dating GMA reporter Steve Dailisan licensed commercial pilot na

MANILA, Philippines — Ganap nang lisensyadong commercial pilot ang dating GMA reporter at anchor na si Steve Dailisan.
Kinumpirma niya ang balita sa kanyang Tweet nitong Miyerkules.
"Officially Licensed Commercial Pilot! Thank you, Lord!" sabi ng dating mamamahayag.
Officially Licensed Commercial Pilot! Thank you, Lord!??????????????????????? #takeoff #pinoypilot #journalistpilot #pinoyaviator #cplholder #humbled #leiaai pic.twitter.com/oFEYm4ejIa
— Steeeve Dailisan (@stevefdailisan) April 3, 2019
Nilisan ni Dailisan ang mundo ng broadcast journalism Pebrero taong 2018 para maging piloto.
Nagsilbi siyang journo para sa Kapuso network sa loob ng 12 taon at kilala sa kanyang pinahabang "signature extro."
Landas patungong paglipad
'Di tulad ng ibang pumapasok sa propesyon, 'di niya raw talaga pinangarap magpalipad ng eroplano noong siya'y bata pa.
"Alam ko kasi na sintayog ng lipad ng eroplano ang presyo. The training cost in aviation remains astronomical in value. My family already struggled sending me to college. How much more in a flight school?" sabi ni Steve sa kanyang Facebook post noong Oktubre.
"[S]abi nila 'pang mayaman lang' at 'para lang sa may buo ang loob.' Buo ang loob, alam kong mayroon ako niyan. Pero ibang usapan kapag pera na ang labanan," dagdag niya.
Dumating daw ang kanyang realization matapos makuha ang kanyang master's degree: "I asked myself, 'What’s next?'"
Aniya, matagal na raw siyang interesado sa mga dokumentaryo na may kinalaman sa air crash investigation.
"My heart thrills each time I board a plane. From then on, I knew my destination is already charted," sabi ng dating journo.
Hindi naman daw naging madali na iwan ang kanyang "first love," lalo na't stable at disente ang nauna niyang trabaho.
"Mahirap man siyang pangarapin noon, hindi naman nangangahulugang hindi mo na siya puwedeng pagsikapang maabot ngayon."
Una siyang nakapagpalipad ng eroplano noong ika-8 ng Oktubre taong 2018.
Hindi man niya pinangarap, naniniwala naman siyang ito na raw ang itinakda para sa kanya ng Panginoon.
"It may be true, being a pilot was never my childhood dream. But our future is not just about our dreams. It’s about fulfilling our mission, our destiny and our life purpose as a whole."
- Latest



















