MWSS chief idedesekato
MANILA, Philippines — Nagbanta si House Assistant Majority leader Bernadette Herrera-Dy na ipapadesekato o contempt ng Kamara ang Chief Regulator ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na si Patrick Ty.
Ayon kay Herrera-Dy, ito ay sa sandaling mabigo si Ty na isumite ang computation ng posibleng kabayaran ng Manila Water dahil sa kabiguan nilang magsuplay ng tubig sa kanilang mga consumers simula noong Marso 6.
Ayon kay Herrera-Dy, sinabihan na nila si Ty na i-compute ang mga penalty na maaaring ipataw laban sa water concessionaire.
May kakayahan naman umano sila na ipakulong sa Kamara si Ty dahil opisyal nilang hiniling ang computation sa pagdinig.
- Latest