^

Bansa

6 mayors kinasuhan ng DILG

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
6 mayors kinasuhan ng DILG
Kinilala ni DILG Asec. Ricojudge Echiverri ang mga kinasuhan na sina Donsol, Sorsogon Mayor Josephine Cruz; Bucloc, Abra Mayor Gybel Cardenas; Hingyon, Ifugao Mayor Geraldo Luglug; Claveria, Masbate Mayor Froilan Andueza; Mandaon, Masbate Mayor Krisitine Hao-Kho; at Magallanes, Agusan del Norte Mayor Demosthenes Arabaca.

MANILA, Philippines — Anim na alkalde ang ipinagharap ng kasong administratibo ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Office of the Ombudsman dahil sa hindi pagsunod sa utos o pagkabigong bumuo ng Local Anti-Drug Abuse Councils sa kani-kanilang nasasakupan.

Kinilala ni DILG Asec. Ricojudge Echiverri ang mga kinasuhan na sina Donsol, Sorsogon Mayor Josephine Cruz; Bucloc, Abra Mayor Gybel Cardenas; Hingyon, Ifugao Mayor Geraldo Luglug; Claveria, Masbate Mayor Froilan Andueza; Mandaon, Masbate Mayor Krisitine Hao-Kho; at Magallanes, Agusan del Norte Mayor Demosthenes Arabaca.

Ayon kay Echiverri, paunang kaso pa lamang ang kanilang isinampa laban sa anim na alkalde dahil sa mga susunod na araw ay marami pa siyang kakasuhan.

Sinabi ni Echiverri, nasa 800 local chief exe­cutives pa ang nakatakda nilang sampahan ng kaso sa Ombudsman sa susunod na mga araw dahil sa kahalintulad na paglabag.

Una ng naglabas ng memorandum ang DILG na nag-uutos sa mga alkalde at mga barangay officials na bumuo ng Anti-Drug Abuse Council na tututok sa pagsugpo ng mga kaso ng iligal na droga sa kanilang nasasakupan.

RICOJUDGE ECHIVERRI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with