House probe sa water shortage gugulong na
MANILA, Philippines — Sisimulan na ng Kamara bukas, araw ng Lunes ang imbestigasyon kaugnay sa krisis sa tubig na nararanasan ng Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Pangungunahan ng House Committees on Metro Manila Development ni Quezon City Rep. Winnie Castelo at Housing and Urban Development chairman Alfredo Benitez ang joint hearing at dialogue.
Ayon kay Castelo, gagamitin ng kongreso ang kanilang oversight function para protektahan ang interes at kapakanan ng mga residente pagdating sa paggamit ng public utilities at tatalakayin dito kung bakit may krisis, ano ang mga dapat gawin at hanggang kailan ito.
Matatandaan na naghain si Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ng House Resolution 2518 na humihikayat sa Kamara na magsagawa ng imbestigasyon sa water interruption sa Metro Manila at mga karatig probinsiya.
Layon din ng pagdinig na idetermina ang impact sa mga consumers ng pagkawala ng tubig gayundin ang kalidad ng pagsu-supply ng tubig ng mga water concessionaires.
Kabilang sa iimbitahan sa naturang pagdinig ang ilang opisyal gobyerno at kinatawan mula sa mga pribadong water concessionaires.
- Latest