^

Bansa

Malaysian PM sa 'Pinas: 'Mag-ingat sa Chinese loans'

Philstar.com
Malaysian PM sa 'Pinas: 'Mag-ingat sa Chinese loans'
Paglalakad nina Pangulong Rodrigo Duterte at Malaysian Prime Minister Dr. Mahathir Bin Mohamad noong 2018.
Presidential Photo/Albert Alcain, File

MANILA, Philippines — Binalaan ng Prime Minister ng Malaysia ang Pilipinas pagdating sa mga utang na kinukuha mula sa Tsina nitong Huwebes.

Tinawag kasi ni Mahathir Mohamad na "unfair" ang mga kinuhang nilang Chinese-backed projects noon.

Aniya, dapat matuto na raw ang Pilipinas mula sa pagkakamali ng mga ibang bansa matapos mabaon sa utang bunsod ng pagtanggap ng Chinese infrastructure loans.

“This is something that of course China has been accused of, but it is also the country’s concern which can regulate or limit all these influences from China,” banggit ni Mahathir sa panayam ng ANC.

Kinansela ng Malaysian head of state ang ilang Chinese-funded projects na nagkakahalaga ng $22 bilyon dahil raw sa pangamba ng korapsyon.

“If you borrow huge sums of money from China and you cannot pay—you know when a person is a borrower he is under the control of the lender. So we have to be very careful with that,” dagdag niya.

Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumastos ng trilyon para masolusyunan ang "infrastructure gap" ng bansa.

Para gawin ito, humingi siya ng tulong mula sa Beijing at iba pang mga bayan.

Bagama't malapit si Duterte kay Chinese President Xi Jinping, mahaba ang kasaysayan ng sigalot sa pagitan ng dalawang bansa dahil sa agawan sa teritoryo sa South China Sea.

Pinangangambahan ng ilan na maging susunod na biktima ng "debt trap diplomacy" ang Pilipinas, kung saan nagpapautang ang Beijing sa mahihirap na bansa para pondohan ang infrastructure projects kapalit ng kontrol sa mga estratehikong ari-arian.

Isiniwalat kamakailan ng Bayan Muna ang diumano'y kwestyonableng loan agreement sa pagitan ng dalawang bansa na papabor daw sa mga Tsinong contractor at manggawa.

Bukod pa rito, naglalaman daw ito ng confidentiality clause, dahilan para hindi ito masilip ng publiko.

Makailang-beses nang pinawi ng Philippine policymakers ang takot ng ilan, at sinabing hindi mahuhulog sa "debt trap" ang Pilipinas.

Noong 2018, sinabi ng London-based Capital Economics na maaaring mapalala ng Chinese investment ang problema ng Pilipinas.

“The upshot is that while improvements to the country’s infrastructure are desperately needed, the pace of increase needs to be managed properly in order to avoid further balance of payments strains,” sabi nila. — James Relativo

CHINA

DEBT TRAP DIPLOMACY

INFRASTRUCTURE LOANS

MALAYSIA

PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with