Pulitika bawal sa graduation rites
MANILA, Philippines — Mahigpit nang ipinagbabawal ng Department of Education (DepEd) ang pamumulitika sa graduation rites at moving up ceremony ng mga mag-aaral.
Ang kautusan ng DepEd ay ginawa dahil sa posibilidad na samantalahin at magamit ng ilang kandidato sa kanilang pangangampanya para sa midterm elections ang naturang mahalagang aktibidad para sa mga mag-aaral.
Sa ilalim ng DepEd Order No. 002, series of 2019, na inisyu ni Education Secretary Leonor Briones na may titulong ‘School Year 2018-2019 K to 12 Basic Education Program End of School Year (EOSY) Rites,’ dapat na panatilihin ang solemnity ng seremonya para sa mga mag-aaral at kanilang mga magulang.
Sinabi ni Briones hindi dapat na gamiting political forum ng mga kandidato ang mga graduation ceremonies.
Ang moving up at graduation ceremonies ngayong taon ay itinakda na ng DepEd sa pagitan ng Abril 1 at Abril 5.
- Latest