^

Bansa

IED 'ire-reconstruct' para matukoy ang nagpasabog sa Jolo

James Relativo - Philstar.com
IED 'ire-reconstruct' para matukoy ang nagpasabog sa Jolo
Sa pahayag ni PNP chief Oscar Albayalde sa ANC, sinabi na kukunin nila ang mga natitirang bahagi ng bomba para makilala ang mga salarin.
The STAR/Boy Santos,File

MANILA, Philippines — Pag-aaralan ng Philippine National Police ang mga bomba na ginamit upang malaman kung sino ang may kagagawan ng pagsabog sa isang simbahan sa Jolo, Sulu noong Linggo.

Sa pahayag ni Director General Oscar Albayalde, ang hepe ng PNP, sa ANC, sinabi na kukunin nila ang mga natitirang bahagi ng bomba para makilala ang mga salarin.

"Of course kapag... ma-reconstruct natin yung IED (improvised explosive device) na ginamit, then from there most probably malalaman natin kung sino ang gumawa," sabi ni Albayalde.

"Yes, kung ano, kung paano ang pagkakagawa, kung anong substance ang ginamit na explosives. So from there makikita natin yung, usually kasi 'yan may mga signature kung tawagin."

Dagdag ni Albayalde, malaki raw ang posibilidad na cellphone ang ginamit para i-detonate ang bomba.

Nangyari ito matapos sumabog ang dalawang bomba sa Our Lady of Mount Carmel Cathedral Jolo Cathedral kahapon.

Umabot sa 20 ang namatay habang 98 naman ang sugatan ayon sa opisyal na tala ng PNP.

Iniutos na rin ni Albayalde ang "total lockdown" ng Jolo kaugnay ng insidente.

"Usually kapag ganyan, makikita natin halos walang mga tao sa labas para ma-contain talaga yung lugar na ito," dagdag niya.

Sa tingin ni Albayalde, nakalusot ang mga gumawa dahil matagal nang walang nangyayaring kaguluhan sa lugar.

"Probably baka sa naging normal na dito for so many years [na] walang insidente, baka kaya naging relaxed na ang security. And at the same time, sino bang mag-aakala na simbahan ito ano," wika ni Albayalde.

Pinakamalalang insidente na raw na naganap ay noong 2011 kung saan wala naman daw nasugatan.

Kinundena naman ng grupong Suara Bangsamoro ang pag-atake.

"Ipagdarasal at nakikidalamhati kami sa mga biktima at kani-kanilang mga pamilya. Nananawagan kami na agarang mapanagot ang may sala," ayon sa grupo sa wikang Ingles.

Sinabi ng gupo na pinatunayan lang daw nito na hindi epektibo ang batas militar para siguruhin ang seguridad ng publiko, bagay na nagdulot diumano ng maraming paglabag ng karapatang pantao sa Mindanao.

Nangyari ang gulo ilang araw ang ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law.

"Ang ikinatatakot lang namin ay magamit itong dahilan ng gobyerno para lalong patindihin ang militarisasyon ng Jolo at iba pang komunidad ng mga Moro na mauuwi na naman sa paglabag ng karapatang pantao sa Bangsamoro," dagdag ng kanilang pahayag sa Facebook.

Sana raw ay hindi nito mahati ang mga Kristiyano't Muslim sa Jolo. Imbis na magkawatak-watak, sinabi ng Suara Bangsamoro na kinakailangang magkaisa laban sa nangyaring karahasan.

Threat groups pinag-aaralan

May mga tinitignan na rin ang mga otoridad na grupong na maaaring may kinalaman sa pagsabog.

"May mga tinitignan tayong threat groups. Of course may mga nagsasalita diyan na sila daw ang may gawa, titignan din natin yung mga ano... Marami kasing maaaring ma-involve," ani Albayalde.

Iniulat ng counterterrorism organization na SITE Intelligence Group na inako ng "East Asia Province" ng Islamic State ang pagsabog.

Nauna nang ibinalita sa 'Amaq News Agency, isang news agency na iniuugnay sa IS, na ang teroristang grupo ang may kagagawan nito.

Matatandaang inako din ng IS ang nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila noong 2017 na agad namang pinabulaanan ng Armed Forces of the Philippines.

vuukle comment

CATHEDRAL

ISLAMIC STATE

JOLO SULU

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TERRORISM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with