^

Bansa

Umali bros., 3 pa bawal kumandidato

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Umali bros., 3 pa bawal kumandidato
Pinadalhan ng Ombudsman ang Comelec ng kopya ng hatol na perpetual disqualification laban kay Umali hinggil sa kasong malversation of public funds at violation of section 3(e) ng Republic Act 3019 o ang anti-graft and corrupt practices act kaugnay sa pakiki­pagsabwatan nito sa mga bogus na foundations ni Janet Lim-Napoles.

Ombudsman sa Comelec

MANILA, Philippines — Hiniling ng isang kandidato sa pagka gobernador ng Nueva Ecija na ipatupad ng Commission on Elections (Comelec) ang desis­yon ng Office of the Ombudsman na huwag nang payagang makatakbo sa midterm elections ang mga kandidato na nahatulan na ng perpetual disqualification.

Kabilang sa petis­yong inihain noong Nob. 26, 2018 ni Virgilio Bote ay ang perpetual disqualification na ipinataw ng Ombudsman kay dating governor Aurelio “Oyie” Umali dahil sa multi-million Priority Development and Assistance Fund (PDAF) scam. Hiniling din nitong ibasura ang certificate of candidacy (COC) ni Umali.

Pinadalhan ng Ombudsman ang Comelec ng kopya ng hatol na perpetual disqualification laban kay Umali hinggil sa kasong malversation of public funds at violation of section 3(e) ng Republic Act 3019 o ang anti-graft and corrupt practices act kaugnay sa pakiki­pagsabwatan nito sa mga bogus na foundations ni Janet Lim-Napoles.

Ibinasura ang motion for reconsideration (MR) ni Umali noong Sept. 29, 2017 at pinasasampa na sa Sandiganbayan ang kaso nito na may kaakibat na parusang hanggang 40 taong pagkakakulong.

Bukod sa dating gobernador, sinampahan din ng kaparehong petisyon ang nasibak na vice mayor ng Cabana­tuan City na si Emma­nuel Anthony Umali na naghain ng kandidatura bilang bise gobernador ng probinsya.

Hiniling ni Board Member Edward Thomas Joson na kandidato rin sa pagka-bise gobernador na ibasura ang COC ng nakababatang Umali dahil sinibak ito ng Ombudsman noong March 7, 2018 at isinilbi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang dismissal nito bilang bise alkalde ng Cabanatuan City noong May 22, 2018 dahil sa kasong katiwalian na may kaakibat na parusang perpetual disqualification from holding public office.

Pinadedeklara ring ‘ineligible’ at pinade-­deny ang kandidatura sa Comelec nina Ramon “Suka” Garcia (ma­yoralty candidate ng Cabanatuan City); Gabriel Calling (vice mayoralty candidate ng Cabanatuan City); at Imee De Guzman, mayoralty candidate sa bayan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

PRIORITY DEVELOPMENT AND ASSISTANCE FUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with