Solon hiling ipanalangin ang BOL plebiscite
MANILA, Philippines — Naghain ng resolution si Maguindanao Rep. Bai Sandra Sema na humihikayat sa mga Pinoy na manalangin para sa kapayapaan sa gagawing plebesito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL) ?sa Enero 21 at Pebrero 6 .
Sa House resolution 2404, pinadedeklara rin ang ?Enero 18 bilang “Day of Prayer” sa Bangsamoro homeland.
Ang ?Enero 18 ang huling Biyernes bago itakda ang BOL plebiscite ?sa Enero 21.
Kailangan ang plebesito para sa ratipikasyon ng BOL para malaman kung mayorya ng nakatira sa mga lalawigan ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay pumapayag na i-abolish ito at magtatag ng Bangsamoro region.
Samantala, tiwala naman si Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan na mayroong pondo ang Comelec para sa BOL plebiscite matapos itong itanong ni Sulu Rep. Makmod Mending noong budget hearing at tiniyak sa kanila ng poll body na maaari nilang gamitin ang kanilang savings.
Tiwala rin ang mga kongresista na magiging mapayapa ang gagawing plebesito dahil sa mahigpit na seguridad ng mga miyembro ng Philippine Army at PNP gayundin ng MNLF at MILF na mahigpit na katulong sa pagbabantay sa mga lugar doon.
- Latest