^

Bansa

PACC chief pinasisibak ni Bello

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PACC chief pinasisibak ni Bello
Ayon kay Bello, wala siyang natatanggap na reklamo laban sa kanya at nalaman lamang niya ang im­bestigasyon sa “news report” matapos itong ianunsiyo ni Luna.?
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Hiniling ni Labor Sec. Silvestre Bello kay Pangulong Duterte na sibakin si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna dahil umano sa pag-abuso sa tungkulin matapos nitong ihayag na iimbestigahan ang tatlong gabinete dahil sa korapsyon.

Ayon kay Bello, wala siyang natatanggap na reklamo laban sa kanya at nalaman lamang niya ang im­bestigasyon sa “news report” matapos itong ianunsiyo ni Luna.?

“Under the executive order creating the PACC, iyung pag-iim­­bestiga should be discreet in fairness to the respondents. Inuuna­han naman niya (Luna),” ayon kay Bello.?

Bukod kay Bello, iimbestigahan din ng PACC si dating Customs Commissioner at ngayon TESDA chief Isidro Lapeña, at National Commission on Indigenous People Chairman Leonor Oralde-Quintayo.?

Sinabi naman ni Luna na wala siyang sinasabing premature na balita laban kay Bello at hindi rin niya sinasabi na ang alegasyon dito ay totoo at puwede naman umano siyang bigyan ng pagkakataon na sumagot dahil pinaiiral nila sa komisyon ang due process.

Para sa Malacañang, hindi muna dapat ibinunyag ng PACC ang pagkakakilanlan ng tatlong miyembro ng gabinete dahil mistulang nasira na ang reputasyon ng mga inaakusahan nang nailantad sa publiko ang kanilang pa­ngalan. (Rudy Andal)

vuukle comment

MANUELITO LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with