^

Bansa

Lanes sa EDSA planong pakiputin ng MMDA

James Relativo - Philstar.com
Lanes sa EDSA planong pakiputin ng MMDA
Planong bawasan ang lapad ng mga lane mula 3.4 metro patungong 2.8 metro.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakatakdang paliitin ng Metropolitan Manila Development Authority ang daanan ng mga sasakyan sa EDSA para madagdagan ng isa pang lane para sa mga pribadong sasakyan.

Ayon kay Bong Nebrija, EDSA traffic czar, patutuparin ang "lane-narrowing scheme" pa-northbound at southbound para mapagaan ang daloy ng mga sasakyan mula Roxas Boulevard hanggang Monumento.

Paglilinaw ni Nebrija, walang "road diet" traffic reduction measure ang MMDA, taliwas sa sinabi ng kanilang tagapagsalita na si Celine Pialogo. 

Planong bawasan ang lapad ng mga lane mula 3.4 metro patungong 2.8 metro.

Mangangahulugang magkakaroon na ng anim na daanan ng sasakyan mula sa kasalukuyang lima.

"Sa ilalim ng bagong iskema, gusto naming sumulong para mapaluwag ang EDSA. Gagamitin sa mga pribadong kotse ang bagong lane," sabi ni Nebrija.

Inirekumenda na rin ito ng EDSA traffic czar sa Department of Public Works and Highway na siyang responsable sa paglalagay ng mga kakailanganing panibagong markings. 

Inaantay na lang daw ng MMDA ang approval ng DPWH lalo na't sila ang responsable sa mga proyekto ng gobyerno sa kalsada at imprastruktura. 

EDSA

MMDA

PRIVATE VEHICLES

TRAFFIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with