Pagawaan ng mga paputok sasailalim sa safety standard ng DOLE
MANILA, Philippines — Sasailalim sa mahigpit na pagbabantay ng Department of Labor and Employment ang mga pagawaan ng paputok sa bansa upang matiyak ang pagtalima ng mga ito sa Occupational Safety and Health Standards (OSHS).
Kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon, inilabas ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang Advisory No. 20, Series of 2018, na nag-aatas sa lahat ng Regional Directors na mahigpit na bantayan ang pagtupad ng mga establisimyento, partikular iyong nasa pagawaan ng paputok, alinsunod sa Republic Act No. 11058, o ang OSHS upang maiwasan ang aksidente sa lugar-paggawa.
Inaatasan din ng panukala ang mga labor laws compliance officer (LLCO) na tulungan ang mga establisyamento sa pagtatama ng kanilang mga kakulangan upang makasunod sa OSHS.
Gayunpaman, sakaling hindi sumunod ang mga establisimyento sa patakaran, may karapatan ang labor inspector na magsagawa ng imbestigasyon sa paglabag alinsunod sa Department Order No. 183, series of 2017, o ang Revised Rules on the Administration and Enforcement of Labor Laws.
- Latest